Chapter 4

1245 Words
           "Aliyah! Aliyah !" Isang malakas na yugyog ang gumising sa akin .           "Haaaahhhh !!".   Napabalikwas ako sa aking upuan .          "Beshy . Nananaginip ka. ".     Saka nito inabot ang basong may malamig na tubig .  Ininom ko ito at hinamig ang aking sarili .  Ang panaginip . Eto na naman sya .            "Beshy .?".   Nilingon ko ito at ngumiti          "Okay lang ako beshy . Nakaidlip pala ako . " Lumingon ako sa paligid at nakitang seryoso ang lahat sa kanilang ginagawa .           "Oo . Nakatulog ka . Dumaan si sir kanina . Gigisingin sana kita kaso sabi nya hayaan kita magpahinga at puyat ka daw kagabi ." Nagulat ako sa sinabi nito . Nakakainis . Panibagong utang na loob na naman ang sasaluhin ko .  Bumalik na ko sa trabaho at kinalimutan muna ang panaginip na ilang araw ng bumabagabag sa aking isip .  Uwian na . Naglakad ako papunta sa office ni Henry . Kumatok ako at binuksan ito .             "Oh . Aliyah tuloy . Anong kailangan mo ?" Ngumiti ako at tumuloy sa opisina nito .              "Umm . Gusto ko lang manghingi ng despensa sa pagkakatulog ....."             "Wala yun Aliyah . Bakit mo kasi pinapahirapan ang sarili mo gayong alam mo naman ang paraan para di ka na mahirapan . " Tumayo ito at humawak sa aking balikat mula sa likod . Sa mga gantong pagkakataon ay nakakasilip si Henry n oportunidad na mapalapit sa akin .                "Masaya ako sa trabaho ko . Pinaghihirapan ko ang mga nakuha ko ngayon . Hindi ko kailangan kumapit sa patalim gaya ng ginagawa ng sekretarya mo . " Napabitaw ito sa akin at parang napapahiya na tumingin sa akin . Iniwan ko na ito sa kanyang opisina bago pa ako makapagsalita pa ng mga di magandang bagay .                   "Beshy . Tara na . ".    Kinuha ko na ang mga gamit ko sa lamesa ko at nagsimula na maglakad palabas .                 "Aliyah!".     Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Henry . Lumapit ito sa akin .               "Pinagbibigyan lang kita dahil alam mo na gusto kita . Pero kung palagi mo kong tatratuhin ng ganito ay mararamdaman mo din ang pagiging professional ko sa trabaho . Hindi na kita ipa prior . "  At naglakad na ito patalikod .                  "Aliyah anong nagyare dun ?" Nagsimula na kame maglakad ni steph pababa                  "Binusted ko !".   At napangisi ako sa kasama . ---------------------------------------------------              "Praning ka binusted mo si Henry e alam mo naman na terror yun . Papahirapan ka nun malamang!" Nasa bahay na kame . Dito sa apartment ko matutulog si steph . May one day bonding kame sa loob ng isang linggo . Nagiinum kame dito sa apartment ko at nagkakantahan .                "Mas mabuti nga yun e . Para naman wala na ko marinig na issues sa department. " Kinuha ko ang mga bote ng beer sa aking ref . Binuksan ang mga ito at inabot kay steph ang isa. Binuksan ko ang bintana sa aking sala at umupo sa hamba nito . Napatingin ako sa labas.  Bilog na bilog ang buwan . Prinsipe aeron . Totoo ka nga kaya ?  Ininom ang alak na hawak ay napatingin ako sa kaibigan na kumakanta sa aking videoke set .                "Tale as old as time . True love it can be . Barely even friends , then somebody bends , unexpectedly." Napatingin akong muli sa langit .  Sana nga totoo ka nalang . Sana hindi ka basta panaginip lang . Prince aeron .                 "Just a little changed , small to say the least , just a little scared , neither one prepared .... Beauty and the beast ." Napangiti ako sa aking kaibigan . Kung may isang bagay man kameng pinagkapareho ay ang pagkanta . Eto ang pinaka bonding namen .                  "Aliyah . Kanta ka na . " Tumingin ako dito . Ngumiti . At ibinalik ang aking tingin sa langit . Lumapit ito sa akin at kumapit sa balikat .                 "Aliyah . May problema ka ba ?" Kilala na talaga ako ni steph . Sa mga pagkakataon na wala ako sa sarili ay nababasa ako agad nito .                 "Steph . Naniniwala ka ba sa panaginip ?" Nagisip ito saglit .                  "Oo beshy . Pero anong klaseng panaginip ?" Nilingon ko ito at napabuntong hininga .                  "Beshy wag mo ko tatawanan ah . May ikukwento ako sayo ." Inilahad ko kay steph ang mga pangyayare sa aking panaginip . Tila namamangha ito na di makapaniwala sa kanyang narinig .                   "Besh . Magandang story yang naisip mo infairness !" Napatanga ako sa sinabi nito .                   "Story ????" Tumango lang ito .                  "Hindi ako nagawa ng story besh ! Napanaginipan ko talaga yun ! Parang totoong totoo !" Napaisip ito at tumingin sa akin .                  "Baka reincarnation mo yan besh . Sabi kasi nila every person ay may reincarnation . Pero 10% ng nangyare sa past ang makikita mo lang . Baka yan yung 10% ng past mo besh ! Shala ka huh . Isa ka palang diwata ng panahon noon !" Napangisi ako sa kagagahan ng aking kaibigan . Binato ko ito ng throw pillow at tumayo na .                  "Loka loka . Magtapos ka na dyan at matulog na tayo . Maaga pa tayo bukas !" Iniwan ko na ito sa sala at nahiga na sa akin kama .  ---------------------------------------------------- Patakbong nagtungo si Miana sa pinakatuktok ng palasyo . Sa pag pasuk nito sa bulwagan ay tumambad sa kanya ang makisig na prinsipe na nakasuot ng baluti. Ang puti nitong kalasag ay mistulang naging pula sa dame ng dugo na napunta dito .  Nakadapa ang makisig na prinsipe at may nakatarak na espada sa malapit sa puso nito . Tila ito hindi na humihinga . Nagmamadali si Miana na nilapitan ito . Tinignan kung may pulso pa .    "Napakahina na ng kanyang pulso . Dapat ay mapabilis ang paggagamot . " Hinawakan nito ang espada na nakatulos sa prinsipe . Bumigkas ng mga orasyon .    "Sa ngalan ng aking kapangyarihan na ipinagkaloob ng bathalang lumikha . Palambutin ang espadang laglalagos sa katawan ng kawawang binata . At muli ipagkaloob sa akin ang kapangyarihan ng langit sa pagsusumamo ay mawala ang mga sugat at sakit na sa aking kamahalan ay nagpapasakit !" Isang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa langit ang naglandas sa prinsipe . Tila isang telang bumagsak ang espada . At ang mga galos at sugat ng prinsipe ay nawala . Hindi na kababakasan ng pinagmulang gyera ang kanyang mukha .  Unti unting dumilat ang lalaki .       "Mahal na prinsipe aeron . ".  Napaluha sa galak si Miana .  Tumayo ito at ngumiti sa diwata .       "Maraming salamat Miana . Isa ka ng dakilang diwata ngayon . " Isang malugod na pag yuko ang ginawad nito sa prinsipe .        "Ang sanggol Miana . " Naway bumalik sa alaala nito ang mga nangyayare .      "Nakatawid na sya sa lagusan mahal na prinsipe .malamang sa mga oras na ito ay naglalakbay na sya sa ibang mundo . "        "Naway walang mangyare sa kanya . ". Tila nag alala ang maamong mukha nito .        "Sinisigurado ko sa inyo kamahalan . Dahil nagpadala ako ng isang bantay para sya mapangalagaan "       "Mabuti naman . ".   Tumayo ito at tumingin sa labas ng palasyo .          "Ngunit kamahalan . Masamang balita . ".    Tumingin ito sa diwata na tila natakot ang mukha  Isang malungkot na iling ang ginawa ni Miana .         "Hindi ! Amaaaaaaa ! ".    Malakas na sigaw ang kumawala sa buong palasyo .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD