ALIYAH'S POV Anong gagawin ko ? Mahal ko si Aeron pero ayoko syang mapahamak . Mas lalo naman na ayoko mapahamak si Aethan . Papaanong nangyayare ito . Sa aking pagmamaneho ay napahinto ako ng makita ang manghuhula na patawid sa aking harapan . Napahinto ako at bumaba ng sasakyan . Hinabol ko ito . " Teka lang !! " Lumingon ito at napahinto . " Ang araw ay bilang na lamang . Nalalapit na ang panahon ng pagluluksa . " " Ang araw ba na sinasabi mo ay ang kaarawan ng aking anak ?!" Ngumiti ang manghuhula . " Ang batang sa iyong espirito ay nagmula . Sya ang gagawa ng propesiya . May magbubuwis ng buhay sa kanilang mag ama bago kayo tuluyang maging payapa !" " Hindi maaari ! " Napaiyak ako sa aking narinig " Hindi maaari ? Marahil may pagsisisi sa iyong katau

