Mag isa akong nagtungo sa bahay ng albularyo . Iniwan ko sila sa bahay . "Ashley . Hindi nila maaaring malaman na sasadyain ko ang lola mo . " Pasimple kameng naguusap habang nagliligpit ng pinagkainan ng tanghalian . " Oo aliyah. Nanggaling na ko dun kanina . Nasabi ko na kay lola na pupunta ka . " Mahalaga ang aking sadya sa kanyang lola. Kailangan ko ng kasagutan sa aking mga tanung . Kailangan na lalo pa at palala na ng palala ang mga nangyayare . Mahihinang katok ang aking ginawa sa tapat ng bahay na itinuro ni ashley . Bumukas ito at isang batang babae ang aking nabungaran . "Lola . Nandito na po ang bisita . " Tila siguradong sigurado ang bata na ako ang bisitang hinihintay nila . "Papasukin mo na sya . " Nilakihan ng batang babae ang pintuan . Tumul

