_AERON'S POV_
Kasama ang mga babailan at lambana ay nagbibigay ng orasyon ang mga ito proteksyon para sa akin at lagusan upang mahanap ang aking pakay .
"Sa kalagitnaan ng karagatan ., Sa ibabaw ng langit ., Sa kalawakan ng kapatagan ., Mga nilalang na may buhay . Ipakita nyo sa amin ang paglalakbay upang ang mahal na ina ng hari ay matunton ng matagumpay . "
Isang malakas na hangin ang aming naramdaman . Isang liwanag ang nakakasilaw na lumabas sa aming salamin .
"Kamahalan . Sa kabilang dako ng salamin na yan . Ay nariyan ang iyon hinahanap . Dala ang aming basbas ay nawa'y magtagumpay ka sa iyong balak . "
Isang tango lamang ang aking ginawa . At tuluyan na kong lumusot sa nakakasilaw na lagusan . Hindi ko alam kung gano katagal na akong nakalutang ngunit alam ko na masakit ang aking binagsakan .
"Ahhhh . "
Nahulog ako sa isang puno .
"Sino yan !!". Isang boses babae ang aking narinig .
Tumayo ako sa aking pagkakabagsak . Napatingin ito sa akin at tila nangilid ang luha . Dahan dahan itong lumapit . Sa anyo nito ay kawangis nya ang larawan ng aking ina ngunit pinatanda ang itsura nito .
,"Ikaw na ba yan ?"
Tuluyan ng nakalapit ang matanda . Humaplos ito sa aking mukha . Hilam ng mga luha ang kanyang mata.
"Kawangis mo si Calixto . ". Sa pagkakabanggit niyon ay napaluha ako sa kagalakan .
"Ina ! " at isang mahigpit na yakap ang aming dinama.
---------------------------------------------------------
"Dito sa mundo ng tao ay hindi permanente ang buhay . Sa inyo namamatay lamang ang mga diwata kung hindi naaagapan . Pareho dito sa atin sa mundo ng tao ngunit ang pinagkaiba sa inyo ay walang limitasyon ang buhay . Bagkus dito ay meron hangganan ang lahat . "
Pinapaliwanag nito ang uri ng pamumuhay ng mga tao .
" Ang amang hari . ". Napayuko ako upang maitago ang lungkot .
" Alam ko ". Napatingin ako dito .
"Alam mo ?". Tumango ito .
Flashback
Maalinsangan ang gabi . Kaya ako ay lumabas ng veranda . Mula sa itaas ay tumingin ako sa aking bakuran isang maliwanag na nilalang ang aking nakita . Dala ito ng mga paro paro . Agad akong bumaba upang malapitan ang nilalang .
"Lara . Aking iniibig . "
Napaluha ako sa aking nakita . Batid ko na , na dumating na ang katapusan sa aking minamahal .
"Calixto . Bakit ngayon ka lang nagbalik . At sa aking wari ay di rin magtatagal . ". Puno ng kalungkutan ang aking mata .
Unti unting lumapit si calixto.. humaplos sa aking mukha .
"Patawarin mo ko aking irog .. ako'y naunahan ng takot na baka di mo na muling tanggapin sa pagkakanakaw sa ating anak . Si Aeron . Ibinigay ko pa din ang pangalang nais mo . "
Ngumiti ako at yumakap sa aking iniibig .
"Lara . Si aeron ay magbabalik . At ipadama mo sa kanya ang pagmamahal na ipinagkait sa inyo ng panahon . Isang bagay pa . Sa pagkawala mo sa kanyang gunita . Lubgang naapektuhan si aeron sa pagkakaroon ng tunay na pag ibig .. naway ikaw ang magsilbing paraan sa kanya upang matutong magmahal muli . "
At sa iglap ay nawala na ang aking mahal .
"Bakit hindi ka sumama kay ama sa aming mundo .?"
Napatingin ako sa aking ina . Tumayo ito at umupo sa aking tabi .
"Lubhang napakadelikado sa akin ng inyong mundo mahal ko . Kayo bilang mga diwata ay maaaring mamuhay dito sa amin ng matagal na panahon ngunit kame . Bilang mga tao . Ay hindi maaaring tumagal sa inyong mundo . Sinubukan namen ng iyong ama na pumasuk ako sa inyong mundo . Ngunit anak . Hindi ako makahinga sa loob ng inyong nasasakupan . Ang hangin na mayroon kau ay hangin lamang para sa mga may kapangyarihan na gaya mo . At ako , bilang isang pangkaraniwang tao . Wala akong kakayahan na manatili sa inyo . "
Bumakas ang lungkot sa mga mata nito . Ngayon naiintindihan ko na . Ngunit ..
"Bakit ako inilayo ni ama sa inyo ?"
Ngumiti ito ng may pait sa mga labi . Hinaplos ng mapag muli ang aking mukha .
"Hindi ka iniwalay sa akin ng iyong ama . Kumalat ang balita sa aming bayan na ako'y nagsilang ng isang diwata . Kaya wala kameng nagawa ng iyong ama kundi ikaw ay kanyang dalhin sa kanyang mundo . Duon . Mas makakasiguro ako na ikaw ay mapapangalagaan . At eto ka na nga ngayon . Isa ka ng makisig na Pinuno ng inyong mundo . "
Sa mga rebelasyong akin natuklasan ay isa lamang ang nais kong mawala sa aking isip . Ang puot na bumalot sa akonh pagkatao sa pag aakalang ako'y hindi minahal ng sarili kong dugo . Nang ina na akala ko ay walang pagpapahalaga sa akin kailanman .
------------------------------------------------
"Ako'y magpapaalam na muna ina . Magtatalaga muna ako ng mga pinuno na maaari kong iwanan sa aking kaharian . Gusto ko kayong makasama ng matagal . Batid ko din na nangulila kayo sa aking ama."
Isang mahigpit na yakap ang aking natanggap sa aking ina .
"Ipangako mo sa iyong pababalik . Matagal kitang makakasama . "
Tumango ako at ngumiti sa aking ina .
"Isang bagay pa Aeron ."
Pigil nito sa akin pag alis .
"Ano ito ina ?"
Napabuntong hininga ito .
"Sa iyong muling pagbabalik subukin mo naman na hindi na sa ere lilitaw . Masisira ang maganda mong mukha sa kakabagsak mo mula sa itaas . "
At sabay kameng natawa ng aking ina sa kanyang kalokohan . Gaya ni ama ay pilya din pala ang aking ina .
"Mag iingat ka ina . Magbabalik ako at magkikita pa tayong muli . "
At sa pagsilip ng liwanag ay baon ko ang masayang ngiti ng aking ina . Ang pagmamahal na kanyang itinago ng matagal na panahon ay baon ko sa pagbalik sa aking kaharian .