_ALIYAH'S POV_ " Aliyah , May bisita ka . " Napahinto ako sa aking ginagawa ng mapatingin ako sa aking pintuan . Kasalukuyan akong nasa library at nagsasaliksik tungkol sa mga diwata at sa mundo ng mga ito . Bumungad sa pintuan si Mama at si Tita Lara . Agad akong tumayo at lumapit sa mga ito . Nagtungo kame sa sala at naupo . Tila mahalaga ang sadya nito sa aking , bakas sa mukha nito ang pag aalala . "Aliyah , alam ko ang balak mo . " hinawakan ako nito sa kamay at agad na nagsalita pag alis ng aking ina . "Sinabi po ba ni Miana ? Tita , wag nyo nalang po sana sabihin kay Aeron " Lalong lumungkot ang maamo nitong mukha . " Aliyah, you dont need to do this . Oo , at anak ko , apo ko ang nasa sitwasyon na to pero Aliyah , hindi mo kailangan saluhin magisa lahat

