bc

Call Me Daddy One More Time

book_age16+
10
FOLLOW
1K
READ
forbidden
HE
age gap
opposites attract
second chance
friends to lovers
badboy
powerful
boss
sweet
bxg
lighthearted
office/work place
enimies to lovers
secrets
love at the first sight
assistant
like
intro-logo
Blurb

Tipikal na intern lang naman si Issa Balmaceda - adik sa kape, at laging may baong dasal na sana ay hindi siya mapahiya. Simple lang naman ang gusto niya - ang makapagtrabaho nang maayos. ‘Yung walang hassle, walang eskandalo. Pero paano niya ‘yon magagawa kung ang boss niya ay isang Santiago Cortéz? Ex-military. CEO. Intimidating as hell and the kind of hot that shouldn’t even exist in this universe.

Problem? Habang pilit na nagpapaka-professional si Issa, mas lalong nagiging imposible ang lahat. Dahil sa bawat utos ni Santiago, sa bawat titig nito, at sa bawat ngiti ay mas lalo lang siyang nahuhulog.

Kung gusto talaga niyang makaligtas sa internship na iyon, kailangan niyang matutunang kontrolin ang puso. Pero paano niya gagawin ‘yon kung ang boss niya ay isang napakalaking walking temptation? Like, seriously. ‘Yung isang tingin lang niya, kaya nang guluhin ang buong buhay mo - in a flirty, delicious way?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PUMASOK ako sa M&C Holdings para sa internship. Pero nag-stay ako dahil sa boss. Literal. Wala pa akong ten minutes dito pero ayoko nang umuwi, girl. Hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa...kanya - kay Mr. Jose Santiago Cortéz. Ang bago kong boss na parang palaging bagong ligo, na parang tumalon mula sa perfume ad sa billboard sa EDSA. At ako? Well, natapunan ko lang naman siya ng umuusok na kape - sa unang araw ko sa trabaho. “Hala, Sir! I-I'm so sorry!" sigaw ko habang hawak ang paper cup na wala nang laman. Tiningnan niya ang slacks niya na basang-basa na ng kape, at pagkatapos ay nag-angat siya ng tingin, dahan-dahan. Nakakunot ang noo, matalim ang tingin. Pero ang labi? May slight na pagngiti, girl. “‘Yung pantalon ko talaga ang target mo, intern?” tanong niya sa mababa niyang boses. Malalim, mapang-asar, na parang alam na alam niya ang epekto niya sa sistema ko na malapit nang mag-crash. O baka ako lang talaga ang praning? Pero swear, may kung ano sa paraan ng pagtingin niya sa akin na lalong nagpapabilis ng t***k ng puso ko. “N-naku, Sir, hindi po! Sorry! Ang bilis n’yo kasing maglakad! Ginulat n’yo ako tsaka…” “Sinasabi mo bang kasalanan ko pa na nabuhusan mo ako ng kumukulong kape?” “H-hindi naman po sa gano’n, Sir…kaya lang kasi…” At sa halip na sermon ay isang matamis na ngiti ang natanggap ko mula sa aking bagong boss. At ayun na nga, first day pa lang, sigurado na ako sa dalawang bagay: Una, in love na yata ako. Pangalawa, hindi na ako uli hahawak ng mainit na kape. Unless galing kay boss, na may kasamang kiss… Pagkasarado ng elevator, napatili na lang ang utak ko at napabuntung-hininga. "Girl," bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan ang sarili sa salamin. "Hindi lang siya gwapo, girl. He's... biblical!" As in part-the-Red-Sea levels, As in ruin-me-Daddy levels. As in kung magkakaroon ng marketing campaign ang salitang tall, dark, and dangerously magnetic, si Jose Santiago Cortéz ang magiging mukha nito. At bininyagan ko lang naman siya ng kumukulong kape! Nang mag-vibrate ang cellphone ko ay tiningnan ko agad ‘yon - text galing kay Sachi, ang best friend kong self-proclaimed life coach at full-time pasimuno ng gulo sa buhay ko. SACHI: Ano, first day mo pa lang, sinabotahe mo na agad ang career mo? ME: Sach, gusto ko nang umuwi, ngayon na! SACHI: Kasi naman, ano ba ang nangyari at nabuhusan mo siya ng kape? Teka, kailangan mo na ba ng pang-piyansa? ME: Bes, sobrang gwapo niya kasi, hindi ko kinaya! Nag-panic ako! Tapos ayun. Hindi ko na rin alam kung anong nangyari! SACHI: Jusko ka. Kailangan ko ng pictures! ME: Ng alin? Ng pantalon niya? SACHI: OO! Muntik ko nang maihulog ang cellphone ko katatawa. Classic Sachi. Pero nawala rin ang ngiti ko nang maalala ko 'yung boses ni Sir - malalim, masarap sa tainga, masarap… Napabuntung-hininga uli ako at marahang iniuntog ang noo sa dingding ng elevator. Magfocus ka nga, Issa! Hay. Ang gusto ko lang naman sa buhay ay gawin ang trabaho ko at matapos ang internship na ito nang walang gulo. Walang scandal. Walang disaster. At lalong walang distraction na nakamamahaling suit at may mga matang parang nababasa na ang lahat ng pagkakamaling nagawa ko sa buhay. Pero pagbukas ng elevator, alam n'yo kung sino ang muntik ko na namang mabunggo? Yep. Siya na naman. Nakatayo si Boss sa labas, may kausap from HR. Nakatupi na ang manggas ng polo niya, na para bang hindi pa sapat na gwapo siya sa suit n’ya. Kailangan talagang ipakita ang muscles, Sir? At ako? Nakatayo lang na parang fangirl na malapit nang maiyak sa sobrang kilig. Napalingon sa akin si Jose Santiago Cortéz. Bahagya siyang ngumiti na para bang alam niyang malapit na ‘kong malusaw. “Intern,” sabi niya sa kalmadong boses. “Subukan mong huwag na akong pasuin next time. Nakatingin ang HR.” Binuka ko ang bibig ko. Isinara. Binuka ulit. “Okay lang naman kayo, Sir,” mahina kong sabi. “Yung pantalon n'yo naman ang mas napuruhan.” Diyos ko. Bakit ko sinabi 'yon? Tiningnan ako ng taga-HR na parang handa na siyang gumagawa ng termination memo para sa akin. “Let's hope the rest of the week is less... wet,” sabi ni Santiago. Napakurap ako. Sir? Hay, sigurado akong sisigaw na naman si Sachi kapag ikinuwento ko ito sa kanya mamaya. At sa pagkakataong iyon, gusto ko na lang maglaho. O kaya mag-resign. Ah basta, kahit alin sa dalawa. ~~ PAGPASOK ko sa breakroom-s***h-hiding-spot, naupo agad ako na para bang kagagaling lang sa marathon. Nag-dial ako - isang ring. Dalawa. Tatlo. "Hello?" Halos mabasag ang eardrum ko sa lakas ng boses ni Sachi. "So, tuloy na ang kuwento, girl!" "Ayun na nga, aksidente lang, natisod ako, lumipad ang kape, it hit the target." "Ano ang target?" "Eh di ‘yung ano n’ya." Dinig na dinig ko ang sigaw ni Sachi na halos mapunit na ang eardrum ko sa lakas. "Oh my God. Nagalit ba?" "Ayun na nga, hindi! Pero mas malala. Aba, parang natuwa pa nga ang loko! Like natawa pa siya. Na para bang bigla, ang tingin niya sa akin, komedyante! Nag-blush pa ako, tapos siya - ayun, nginitian lang ako, Sachi! Alam mo ‘yung effect ng smile ni Pedro Pascal na parang alam niya na pinagpapantasyahan mo siya tuwing madaling-araw? Gano’ng-gano’n!” “Eh gano’n ka naman talaga, diba?” “Oo na, oo na, pero naman!” “Issa, naiintindihan mo ba ang nangyayari? Ang boss mo, ka-aura ni Pedro Pascal! Pangarap ‘yan ng lahat ng babae, girl!” “Diyos ko, hindi ko na yata kaya, besh! He’s too much! Sobrang guwapo, sobrang mabango, ang boses, Sach, parang ang…sarap! At may pa-ugat, besh!” "Ugat? B*tch, teka lang!" “At ito pa, may pahabol pa siya na, 'Let's hope the rest of the week is less wet.' Emphasis sa WET! Muntik na yata akong mag-black out kanina!" Napasigaw uli si Sachi. "Hoy, tigilan mo na nga! Sobrang kinikilig na ‘ko dito!" "Pinagpapawisan na nga ako, hindi pa man ako nagsisimula ng actual work! Paano kung tanggalin n’ya ako dahil sa kalandian kong ito?" “Oh, at least, natanggal ka with honor. Aba, kung ako, mawalan ng trabaho dahil sinabihan ako ng hot CEO boss ko na huwag ko siyang landiin, ipapa-print ko ‘yan sa T-shirt, besh!” "Sachi. Hindi totoo ang lalaking ‘yon, I swear. Parang galing lang sa panaginip ko, eh." "Tapos ikaw, ayan, parang flirty intern ang atake. Para kang nasa romcom novel, besh! Ay wait, revise natin - para kang nasa steamy novel, girl." “Hoy, sinasabi ko sa ‘yo, ang kilig ko, parang abot na hanggang next week!” “Basta ang advice ko sa ‘yo, bes? Kailangan mo ng bagong lip gloss at bagong undies. Dapat lagi kang handa!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mafia Heir Declan Madrigal

read
484.2K
bc

I Married The Arrogant CEO

read
32.3K
bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
835.2K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
15.3K
bc

The Heartless Don's Angel

read
79.2K
bc

In Bed With Kuya Red

read
55.7K
bc

Owned by an Arrogant Billionaire- Montenegro Obsession 1

read
58.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook