"Bangon na, sleepy bird." Ang turan ni Kourtney sa akin. Nakasuot siya ng maikling pantulog na napapatungan ng kulay itim na roba. Nakatayo siya sa paanan ko at hinihipan niya ang mainit na kapeng hawak niya sa kamay. Lihim akong napangiti. "Baka ang ibig mong sabihin, sleepyhead." Nagkibit-balikat siya at humagikgik. Tumingin din siya sa ibabang bahagi malapit sa puson ko. "Pwede na rin 'yong sleepy bird." Bumalikwas ako sa pagkakahiga at umupo. Hinagod ng dalawang palad ko ang aking ulo. Napakamot rin ako sa batok. Matagal na panahong hindi ako nakaramdam ng hiya sa harap ng isang babae, ngayon na lang. "Pasensya ka na sa nangyari kagabi." "Ano ka ba? Okay lang 'yon. Ang sweet mo nga eh." Tumayo ako at isinuksok ko ang laylayan ng polo ko sa loob ng aking pantalon. Natulog akong suo

