Ngayon pa lang ay isinara ko na ang lahat ng shutters ng bintana, paghahanda para sa paglipad ko mamaya pabalik sa Pilipinas. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay. Hindi pa ako umaalis ngunit mukha na itong abandonado, madilim sa loob at may lungkot na bumabalot dito. Kinuha ko ang puting baseball cap at isinuot iyon. Tinunton ko ang daan palabas. Walang siglang pinagmasdan ko ang mga tindahang naraanan ko. Kahit ang masarap na amoy ng bagong gawang kape at kalulutong tinapay ng paborito kong panaderya ay walang epekto sa nangangalam na sikmura ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa Hyde Park. Dito muna ako magpapalipas ng oras upang maibsan ang pamimigat ng dibdib ko. Umupo ako sa damuhan, nakapailalim sa hita ang nakaekis na mga paa ko. Maingay uli

