Alam kong malaki ang ipinagbago ko makalipas ang mahigit limang taon mula nang huli kaming nagkita ni Sean. Payat pa ako noon dahil sa aking karamdaman. Bukod do'n, marahil tuluyan nang nabura sa alaala niya ang aking anyo no'ng bata pa kami, halos labing dalawang taon na rin kasi 'yon. Masarap sa pakiramdam lalo't hindi ko inaasahan na nabihag siya ng aking angking ganda. Ngunit hindi ko rin kayang ipagkaila na mas malaking parte ng pagkatao ko ang nasaktan dahil naging saksi ako kung paano isinawalang bahala ni Sean ang kasagraduhan ng aming kasal. Hindi man kami nagsama bilang tunay na mag-asawa, sa mata ng Diyos at ng tao ay kasal kami. May mga nagkagusto sa akin sa Sydney, mga lalaking may sinabi rin sa buhay at higit na mas gwapo kay Sean, pero hindi ko nagawang pumasok sa isang re

