The confrontation with Sean went well, I was expecting an uglier scene though. Bakit nga ba ako umasa ng ganung klaseng tagpo? From what I'd learned about him, he could hold his own in any situation and he wouldn't let anyone lose his composure. Mananatili kaya ang ganung disposisyon niya kapag nalaman niya ang binabalak ko? Hindi ko ginugol ang buong maghapon sa kompanya. Matapos ang board meeting, nag-usap lang kami ni papa bago ako nagpasyang umuwi. Matagumpay na naisakatuparan ko ang aking unang plano. Panahon na para maisagawa ko ang susunod na hakbang. Kinuha ko ang aking mga gamit na iniligpit ko kagabi pa sa condominium na pansamantala kong tinirhan. Lulan ng taxi, tinahak namin ang daan tungo sa bahay ni Sean. Alam kong may maaaring balakid sa plano kong ito pero hindi ko inaka

