Chapter 1

1116 Words
Nagising ako na may mabining ngiti sa aking mga labi. Sa tingin ko ay magiging maganda ang takbo ng araw na 'to. Nanatili ako sa aking pagkakahiga at ninamnam ang sayang pumapaloob sa akin. Hinayaan kong yakapin ako ng kapayapaang dulot ng umaga. Huminga ako nang malalim habang inisa-isa sa aking isipan ang kailangan kong gawin. There's really not much. I've already taken care of everything. It's a simple wedding, not the sort of wedding I've been dreaming of, but I want it to be near as perfect as can be. Siguro, I'm just a sucker for meticulousness. Nilingon ko ang orasan sa tabi ng ulunan. It's already 9:00 AM. Ugh! I really have to get my hot sexy butt out of bed. Tumayo ako at nag-inat. I can hear my bones creak literally. I just turned 18, but sometimes I feel that my body belongs to a frail old lady. Tinungo ko ang tukador na may halong saya ang bawat hakbang. Dinampot ko ang suklay at sinimulang padaanin ito sa aking 'di kahabaang buhok. Napuna ko na wala itong sigla, para bang hapong-hapong nakalaylay sa aking balikat. May ibang hibla na tuluyan nang sumuko at nalagas. Kahit ang balat ko, pakiramdam ko ay para itong binabanat sa sobrang tuyot. Napabuga ako ng hangin. Naramdaman ko na unti-unting naglalaho ang galak na kanina lamang ay naghahari sa aking kabuuan. Well, I think a good pampering will do wonders. May kompleto akong gamit sa anumang pampaganda. Sana nakapunta ako sa kilalang beauty saloons. Kaya lang, I hate the strange expression that crosses over the staff's faces when they look at me. Ewan ko if they're in awe of me or they're just plain jealous. Mahirap kasing makamtan ang ganitong klaseng katawan. Kailangan ang malaking disiplina at maraming sakripisyo. Lumabas ako ng silid at nagtungo sa kusina. Nasalubong ko ang isang kasambahay. Ngumiti siya at bumati ng good morning pero hindi ko pinansin. Katulad din siya ng ibang kasambahay dito na ngumingiti nga pero iba naman ang mababanaag mo sa kanilang mga mata. Those strange looks, again! Simple lang ang almusal ko, so I always prepare my own breakfast. I usually have a toast of bread and a glass of freshly blended fruits. I think I will only consume half of the toast today. Ayaw ko kasing bumakat ni kaunting taba sa suot ko mamaya. It's a white tafetta full skirt dress with lace bodice. Dahil hindi naman gano'ng formal, hanggang tuhod lang ang haba nito. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo. Napuna ko na parang napapadalas na 'to. Marahil, dahil na rin sa pagod at pag-aalala. Tatlong linggo lang kasi ang preparasyong ibinigay sa akin ni papa. Nagpasya akong manuod ng TV hanggang sa mawala ang aking liyo. Lumipas ang maghapon nang hindi ko namamalayan. Patungo na ako sa Makati City Hall nang tumunog ang cell phone ko. "Nasan ka na?" tanong ni papa at nasa boses nito ang pagkairita. "On the way na, papa. Baka po 10 minutes nandiyan na ako." "Ikaw na lang ang hinihintay. Hindi ko maintindihan kung bakit late ka. Wala ka namang ginagawa!" Nawala sa kabilang linya si papa pagkatapos niyang maglitanya. Tiningnan ko ang orasan sa aking palapulsuhan. Maaga pa nga ako kung tutuusin dahil 4:00PM pa lang. Nakatakda ang kasal ng 4:30 PM. Kaibigan ni papa ang mayor ng lungsod kaya napadali ang pagkuha ng aming marriage license. Si mayor din ang magkakasal sa amin. Pinigil ko ang luhang gustong lumandas sa aking mga mata. Nakaramdam kasi ako ng habag sa sarili. 'Di ba dapat nakaalalay si papa habang palabas kami sa bahay at papunta sa lugar ng kasalan? Sa halip, sermon pa ang narinig ko mula sa kaniya. Dapat nasa tabi ko rin si mama pero mas pinili niya ang mamalagi sa Sydney. Nawala lahat ang aking sama ng loob nang makita ko ang lalaking pakakasalan. Mabait sa kaniya ang panahon dahil lalo siyang naging makisig, mas lumapad ang kaniyang mga balikat. Bukod sa matangkad, nagtataglay pa siya ng mukha na talagang nakakapanginig ng kalamnan. Napakagwapo niya. May malakas rin siyang presensya na kahit nasa malayo ay randam na randam mo. Nasaksihan ko ang malaking kabiglaan sa kaniyang mga mata nang mahagip ako ng kaniyang paningin. Lihim akong napangiti at nagdiwang. Ang seksi ko na, di ba? Nahuli ko rin ang mga panakaw niyang tingin. Mamaya, solo mo na ako. Magsawa kang tingnan ang alindog ko! Madaling natapos ang seremonya ng kasal. Nagtuloy kami sa isang bantog at premyadong restawran. Dahil malawak ang sakop ng impluwensya ni papa at ang pamilya ng asawa ko, naisingit nila at nailaan ang oras na 'to para sa amin. Maliit lang naman ang grupo namin, pitong katao - kami ni papa, dalawang testigo, si mayor, ang asawa ko at ang kaniyang ama na biyenan ko na ngayon. Nagsisi ako kung bakit full course dinner pa ang napili ko. Habang tumatagal lalo akong nakaramdam ng pagkailang dahil nasa negosyo at pulitika ang sentro ng usapin. I'm on my teens and they're all like ancient to me. Pero bilib ako sa asawa ko dahil nakakasabay siya, mapapolitika o mapanegosyo man 'yon. Anyway, 6 years naman ang tanda niya sa akin. In fairness sa aking poging groom, he tried to engage me in a simple conversation. Everytime he did it though, hindi ko maiwasan ang mapapitlag. Ewan ko ba kung bakit? Excited kaya for the honeymoon? Binabagtas namin ang daan papuntang Tagaytay matapos ang nakakainip na hapunan. Doon kami maglalagi sa loob ng tatlong araw. Pareho kaming walang imikan sa loob ng sasakyan at walang may gustong bumasag nito. Nakaramdam ako ng hapo at panghihina kaya pumikit muna ako. Hindi ko namalayan na sandali akong nakaidlip. Nagising ako sa banayad na pagyugyog sa aking balikat. Naunang bumaba ng sasakyan ang asawa ko. Inaasahan ko na aalalayan niya ako sa pagbaba. Sa isang sulok din ng isipan ko ay ang hangarin na ako'y kaniyang papangkuin papasok ng bahay. Grooms are supposed to do that, di ba? Sa halip, nakita ko siyang nagpatiuna, bitbit ang aming gamit. Ang mas lalong nagpabigla sa akin ay nang masalubong ko siya sa tarangkahan. Sabi niya, 'Don't wait for me.' Akala ko, nagbibiro siya. Hindi pala. Walang lingon-likod na bumalik uli siya sa sasakyan. Pinaandar niya 'yon at pinaharurot ng takbo. Tigalgal na hinabol ko ng tingin ang papalayo at papaliit na papaliit na ilaw ng sasakyan. Naiwan ako kasama ang mga huni ng insekto sa gabi. You can accuse me of something else, but slow is not one of them. The wedding? Huh! Obviously, it's all a sham and we're just the actors in this stupid play. That heartless bastard is Sean, my so-called husband. And I'm Delta, the newly ditched wife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD