Chapter 2

2024 Words
Bakit kailangang umalis ni Sean sa unang gabi ng aming pagsasama? May problema ba sa akin? Napakahirap bang mahalin ng isang tulad ko? Laglag ang balikat na tinungo ko ang bukana papasok sa bahay. Ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na tinatahak. Lalo kong naramdaman ang pag-iisa nang pumasok ako at sumalubong sa akin ang nakabibinging katahimikan. Dinala ako ng aking mga paa sa harap ng salamin na nakasabit sa pasilyo. Nagitla ako sa aking naaninag. Sino ang babae sa salamin na nakatitig pabalik sa akin? Matagal na panahon din na ako'y nagbubulag-bulagan sapagkat ngayon lang tumambad ang tunay kong anyo. Sa isang iglap, nawala ang bagay na tumatabing sa aking mga mata. Ngayon ko naintindihan ang kakaibang titig na ibinabato sa akin ng mga tao sa paligid ko. Buto't balat. Sa tingin ko, 'yon ang tamang paglalarawan sa akin. Humpak ang mukha ko kaya naman mas naging prominente ang mataas kong buto sa pisngi. Lalong humaba ang aking leeg at halata rin ang mga ugat dito dahil sa sobrang nipis ng aking katawan. Ang dating makapal, masigla at mahaba kong buhok ay wala na. Manipis at maikli na ito ngayon. Ang pinagmamalaking kutis na makinis at mamula-mula ay napalitan ng tuyot at nagbibitak-bitak na balat. Tanging mga mata ko ang hindi nagbago. It's still very expressive and soulful. Parang may malakas na pwersang gustong kumawala sa dibdib ko. Napahagikgik ako. How will I expect the debonair and dashing Sean to fall for me? Kahit ako, natakot sa sarili kong anyo. Tumawa ako nang mapakla hanggang sa mapalitan ito ng hagulhol. What should I do? Nalilito ako. Ang alam ko lang, hindi ko na kayang magtagal pa sa bahay na 'to. Hinagilap ko ang aking gamit at nakita ko 'yon malapit sa pinto. Binitbit ko 'yon at nagmamadaling tinungo ang labasan. Wala akong tiyak na destinasyon sa isipan. Ang mahalaga lang ay lisanin ko ang lugar na ito na nagdulot ng hindi lang sakit kundi malakas na sampal sa aking pagkatao. Lumakad akong palayo hanggang sa ako'y lamunin ng dilim No'ng bata ako, ang daming nagsasabing ang cute ko raw dahil siguro chubby ako. Pero ang pagiging mataba, cute lang habang maliit. Gano'n pa man, hindi ako nakaramdam ng anumang insecurities no'ng nasa primary school ako. Halos lahat kasi ng kaklase ko ay kasama ko na mula preparatory school. I was a happy kid because I was accepted and I belong. High school nang makaranas ako ng unang pambu-bully. I was enrolled in a different school then. "Kaya pa ba?" tanong sa akin ni Toni. Kaklase ko no'ng first year high school. "Kaya ng alin?" "Ng paa mo ang katawan mo! Ang taba mo kasi!" Humalakhak siya na may tunog pang-iinis. "Kaya pa ba?" Ako naman ang nagtanong. "Kaya ng?" Kumunot ang noo niya. "Kaya pa ba ng leeg mo ang mukha mo! Ang pangit mo kasi!" Nakita ko ang matinding galit na gumuhit sa kaniyang anyo. Dahil sa pangyayaring 'yon ay nakakuha ako ng mortal na kaaway. Umuwi ako na lumong-lumo ng araw na 'yon. Medyo sumaya lang ako nang makita ko si Tita Allison, ang mommy ni Sean. Sigurado akong nandito rin si Sean. At tama ako, nagpapahangin siya sa likod ng bahay. Agad ko siyang nilapitan at inasar. "Hey! Mukhang ang lalim yata ng iniisip mo." Sumalampak ako ng upo sa silyang nasa harap niya. "Siguro may babaeng bumasted sa'yo, ano?" Pangungulit ko pa rin kahit napansin ko na wala siyang ganang makipagbiruan. "Talagang gano'n. Hindi lahat mapapasailalim sa karisma mo. Darating ang araw na may babaeng tatanggi at aayawan ka!" patuloy ko. "I'm not in the mood, Delta," bugnot na sabi niya. "Yabang naman nito, akala mo kung sinong gwapo," pabulong na turan ko. Narinig pala niya. "Nagsalita! Bakit hindi mo tingnan ang sarili mo sa salamin bago ka mamintas ng iba?" Normally, hindi ko iindahin 'yong sinabi niya pero iba ngayon. I had a lousy day. I still felt raw from Toni's taunt so I took his words as a criticism against my weight. Nakaukit na sa isip ko ang araw na 'yon dahil 'yon ang unang karanasan ko sa pambu-bully at 'yon rin ang huling pagkakataon na nagkita kami ni Sean. Nalaman ko kay mama na naghiwalay ang kaniyang magulang. Umalis si Tita Allison sa bahay nila at lumuwas ng Maynila. Iyon kaya ang dahilan kung bakit hindi na siya nagpapakita sa akin? O, baka ayaw niya nang magkaroon ng matabang kaibigan na katulad ko? Mula noon, ang pagpapayat ang naging panuntunan ko. Bawat guhit na mawala sa aking timbang ay dahilan upang magdiwang. Para itong droga na hinahanap ng katawan ko. Hindi ko nakikita na tuluyan ng bumagsak ang aking katawan, dahil sa tuwing titingin ako sa salamin, ang dati kong matabang sarili ang lumilitaw. Mahilig ako sa mga junk foods and chocolates, mga pagkaing wala namang idudulot na maganda. Isang linggong tiniis ko na hindi kumain ng mga 'yon at nagbunga naman. Dalawang guhit ang nawala sa timbang ko. Sumunod, binawasan ko ang pagkain ng kanin, tinapay at pasta. Naging sobra akong mapagmasid sa bawat calories na ipinapasok sa aking katawan. Dumating ang puntong halos hindi na ako kumakain sa isang araw. Nagkakasya na ako sa isa o dalawang baso ng juice maghapon, kaunting cereal na hinaluan ng tubig sa umaga o isang slice ng toasted bread at prutas sa tanghalian. Sa hapunan lang ako medyo kumakain nang maayos dahil ayaw kong pinupuna ni mama. May mga pagkakataong nanginginig ang buong katawan ko dahil sa gutom. Pinagbibigyan ko ang sarili at kumakain ako na parang hari. Lahat ay lalamunin ko. Pagkatapos ay dudukutin ko ang lalamunan para isuka lahat 'yon dahil parang may nagdidikta sa aking isipan na gawin 'yon. Nahiligan ko rin ang pagtakbo. Tinutumbasan ko ng ilang oras, dalawa hanggang tatlong oras sa isang araw, na pagtakbo sa treadmill ang bawat pagkaing sinusubo. Parusa sa sarili ko 'yon dahil naging marupok ako. Naalala ko pa ang minsang pagtatalo namin ni mama. "Ma, nasaan 'yong treadmill sa k'warto? Ba't wala na 'yon don?" galit na tanong ko kay mama. "Pinamigay ko." mahinahong sagot niya. "Pinamigay! Bakit niyo ginawa 'yon? Alam niyo namang ginagamit ko pa 'yon!" "Dahil hindi mo kailangan 'yon. Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin? Anak, ang payat mo na!" "Iyon ba talaga ang dahilan o dahil naiingit ka lang? Dahil tumataba ka na! Ayaw mong magkaroon ng kakompetensya lalo na sa sarili mong anak!" Itinaas ni mama ang kaniyang kamay at umakmang sasampalin ako. Isinangga ko ang aking braso at hinintay ang pagdapo ng kamay niya sa akin pero walang dumating. Sa halip, umalis siya at nagtungo sa kaniyang silid. Hindi ko gawain ang sumagot ng pabalang o magpakita ng kabastusan sa magulang ko. Iyon ang unang pagkakataon na ginawa ko. Umiyak ako dahil sa magkahalong galit at pagsisisi. Sadly, nasundan pa iyon ng ilan pang pagtatalo. I didn't realize that my eating disorder was controlling my life. Para itong halimaw na lumamon sa buo kong pagkatao at katinuan. Nawalan ako ng kaibigan at nasira ang relasyon ko sa pamilya. Wala akong pakialam sa kanila. Wala akong pakialam kung ano ang isipin nila. Ang mahalaga sa akin ay payat ako. Nagising na ako sa katotohanang may sakit ako. I am an anorexic but I'm willing to recover. Kung ano man ang determinasyong ginamit ko noon para pumayat ay siya ring determinasyong gagamitin ko ngayon para makaahon sa dilubyong kinasasadlakan. One month. One month and I'm still where I was. Kung tutuusin para pa ngang lumala ang dati kong kalagayan. Ang akala ko kapag kumain ako nang marami, tataba na ako. I ate everything in sight, only to purge it all out immediately after. I'm in the brink of losing hope. I'm suffering alone and I can feel my strength slowly seeping out of my body. Nakalugmok ako sa sahig ng banyo, hinang-hina matapos kong isuka lahat ng kinain ko. Ang tanging pinagkukunan ko ng lakas ay ang galit para kay Sean. Nasusuklam ako sa kaniya dahil sa ginawa niyang pambabalewala sa akin. I need help pero hindi ko alam kung kanino ako babaling. Kay Kate kaya na dati kong bestfriend? "Del, may problema ka ba?" Si Kate. She was my bestfriend since preparatory school. Malaking parte na siya ng buhay ko. Nasa fourth year high school na kami noon at halos lagpas tatlong taon na rin ako sa obsession kong pumayat. "Wala. Ba't mo naman naitanong?" "Because you're getting so thin!" "Ano ka ba? Ito ang uso ngayon, ano?" natatawang sabi ko. "Slim is fine but you're beyond slim! It's becoming unhealthy!" "Well, I'm perfectly healthy. In fact, mas malakas pa ako sa kalabaw!" Naiirita na ako. "Healthy? Del, wake up! At least admit to yourself na may problema ka!" "Just get off my back, okay? Si mama panay na ang sermon sa akin, pati ba naman ikaw! What's wrong with you people? Ayaw niyo bang nauungusan kayo?" pasigaw kong sinabi sa kaniya. "What? We're just concern for your welfare. Alangan namang tumahimik na lang kami habang nakikita kang sinisira ang buhay mo!" Tumaas na rin ang boses niya. "You know what? Why don't you take your concern with you and shove it? I don't need it and I don't need you!" I said it with a sneer. Nagulat si Kate sa sinabi ko pero mas nabigla ako. Gano'n pa man, may bahid ng katotohanan ang binitawan kong salita. Sa panahon na 'yon, nasasakal ako sa kaniya. Iniwasan ko siya mula noon. Mabuti na rin 'yon dahil mas lalong bumababa ang self-esteem ko kapag kasama siya. She is everything that I'm not. She's stunningly attractive with a figure perfect for models. Slim and firm but not as unbecomingly thin as I am. Mas bagay siyang anak ni mama kaysa sa akin. I know that she wants us to be friends again but I always turn my back on her. Shall I call her or shall I call papa? "Papa, talaga po bang atin lahat ito?" Nakatayo ako sa labas ng terasa. "Yes, my princess! Hindi ka pa rin ba naniniwala sa gwapo mong papa." "Talaga po? Ang laki niya, papa, at ang ganda-ganda! Parang palasyo sa laki!" "At ikaw naman ang prinsesa ng palasyong 'to." "I'm the princess?" "Of course! Sino pa nga ba? Ikaw lang naman ang nag-iisang anak ko," nakangiting sabi ni papa. Ang tinutukoy ko ay ang unang hotel na naging pag-aari nina papa malapit sa Baguio City. Actually, abandoned building 'yon na binenta ng palugi. May inside source si papa na plano ng gobyerno na magpagawa ng isa pang kalsada, connecting Baguio and La Trinidad, kung saan nakatirik ang hotel. Few years later, natuloy ang proyektong ito. Bukod sa mas naging accessible ang hotel, mas tumaas pa ang halaga nito. Madaming turista ang nawiwiling pumunta ro'n. Perfect spot kasi 'yon dahil malayo ito sa crowded na lugar ng Baguio pero 'di naman kalayuan kung nais mong gamitin ang convenience na ino-offer ng s'yudad. Ang isa pang nagustuhan ng mga turista ay ang architecture ng hotel, dinesenyo kasi 'yon upang bumagay sa paligid. Apat na palapag lamang iyon upang hindi masira ang tanawin ng lugar. Habang dumadami ang hotels na pag-aari nina papa, lumiliit naman ang oras niya sa akin. I think he forgot that I was his princess. Will papa help me or shall I call the last person in my list? "Mama, kanino po ako nagmana?" "Syempre sa akin!" Maluwag ang pagkakangiti ni mama. "Magiging Miss Philippines din po ako kagaya niyo?" "Aba, baka ikaw pa ang mag-uwi ng korona ng Miss Universe!" Of course, malayong mangyari 'yon. Kasing layo ng agwat na namamagitan sa amin ni mama ngayon. Disappointed ba siya na ako ang naging anak niya? Nanghihina man, pinilit kong kunin ang cell phone sa handbag ko. Mula no'ng gabi ng kasal, ngayon ko lang muling binuksan 'yon. I am about to ring the person whom I thought could help me nang biglang itong tumunog. I answered with great hesitancy in my voice. I can hear the relief on the other end. I will never forget this call because it served as my lifeline. It's the call that saved my life.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD