May nabuo nang plano sa isip ko matapos ang usapan namin ni Sean kaya nagtungo kaagad ako sa Astral Hotel at hinanap si Henry, ang manager, para malaman kung may bakanteng lugar at kung kaya nilang ibigay lahat ng kakailanganin ko para sa paligsahan. Sabi niya, walang problema. Bago ko hinamon si Alfie ay gusto ko munang tikman ang luto nito para masukat ko kung kaya ko itong talunin. Inalok ko ng brunch si Henry at pinaunlakan naman nito. Nagpunta kami sa Enigma at do'n ko na rin nakilala si Joshua. Ayon sa kanya, nasa main course raw ang galing ni Alfie kaya ito ang mga inorder namin. Hindi maitatanggi na masarap nga ang luto ni Alfie pero sa tingin ko kaya ko siyang pantayan at talunin. Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa napipintong paligsahan. Hindi ko inakala na maraming manon

