What's taking him so long to decide? Alam kong cake ni Delta 'yong pinili ng tatlong hurado at nakasalalay sa kamay niya ang pagkapanalo nito. "Wala akong alam sa fruity-fruity na 'yan. Basta ang alam ko parehong masarap 'tong ice cream," patuloy na turan ng pang-apat na hurado. "Sorbet, hindi ice cream," pagtatama ng katabi niya. "Sorbet, sorbet. Pareho lang 'yon! Mukhang ice cream din naman eh." "May napili ka na ba?" tanong uli ni Henry. "Anong tawag sa kulay dilaw na 'to?" tanong niya sabay turo sa ibabaw ng cake. "Grafitti," boluntaryo ni Delta. "Ah, graffiti," tatango-tangong saad niya. "Mas matingkad ang kulay nito kaya ito ang pinipili ko." Napabulalas ako ng tawa. Andaming sinabi, sa kulay lang pala siya nadala. Sa tono ng kanyang pananalita, hula ko ay cake ni Alfie ang p

