AN: Thank you sa reader ng Captive of My Desire. Pa-follow po ng account ko para malaman n'yo rin kapaag may update ako sa iba kong stories. **** Bakit ko nga ba ginawa 'yon? I know it's juvenile, ngunit nang makita ko siya sa gilid ng pool ay may alaalang bumalik sa akin no'ng bata pa kami. Tanda ko, ganun na ganun ang ayos niya, nakapamewang habang naghihintay na mapansin at lapitan ko. Pilit niya akong niyayang lumabas no'n. Tumanggi ako at kinumbinse ko siyang samahan na lang akong lumangoy. Umayaw rin siya. Iniabot ko sa kanya ang aking kamay na agad naman niyang tinanggap. Sa halip na umahon ay hinila ko siya at naging sanhi 'yon para mawalan siya ng panimbang at tuluyang mahulog sa pool. Umalingawngaw ang malakas kong tawa at sinabayan ko 'yon ng mabilis na paglangoy palayo sa

