You might be sharing the same roof with him but not the same bed! Paulit-ulit na sumasagi sa isipan ko ang mga katagang 'yan. Mga salitang binitiwan ni Olga bago siya umalis ng bahay kanina. Dapat pa ba akong magtaka kung bakit alam niya ang tungkol sa bagay na 'yon? Close nga sila ni Sean, 'di ba? Malamang na 'yan din ang sinabi ng huli para patahanin siya sa pag-iyak. "It's not all about teaching Sean a lesson, right? Kilala kita. Maaaring 'yan ang sinasabi ng bibig mo, pero iba ang idinidikta ng kalooban mo." sabi ni Kate. Siya 'yong bestfriend ko mula nursery na tinalikuran ko no'ng high school dahil sa anorexia. Minasama ko ang malasakit na ipinakita niya noon. We've reconnected through f*******:. Ako mismo ang unang lumapit sa kanya no'ng gumaling ako at napagtanto ko na mali ang a

