Chapter 31

2013 Words

Panay ang hatak ni Sean sa kaniyang kurbata, senyales na siya'y kinakabahan, habang nandito kami sa reception area at naghihintay ng oras na tawagin kami. Ayon sa taong nakausap niya, kasalukuyang nagpupulong na ang lahat ng direktor ng CreditSetter. May inihanda akong presentation materials na balak kong ipakita mamaya pero hindi alam ni Sean iyon. Sana sa pamamagitan nito ay mapaniwala ko siya na nagkamali siya ng paratang sa akin. Doble ang kabang nararamdaman ko. Nakailang hugot na nga ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang aking sarili. Makaraan ang ilang saglit, lumapit sa amin ang nagpakilalang sekretarya ni Quan, si Wen. Ipinaalam niya na puwede na kaming magtungo sa conference room. Wala sa loob na hinawakan ko sa kamay si Sean. Ginantihan niya iyon ng mahinang pagpisil s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD