Chapter 32

2020 Words

Inip na hinintay ko ang pagdating ni Delta. Papalapit na ang oras ng paglipad namin pabalik sa Pilipinas ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Kinuha ko ang cell phone sa bulsa sa likod ng pantalon ko at sinimulang tawagan siya. Nakarinig ako ng tunog na papasok na tawag sa isang cell phone. Kunot-noong luminga ako sa paligid at nakita kong nakapatong iyon sa mesita. May pagkabahalang nilapitan ko iyon. Pagdampot ko ay tumunog uli ito. May text at nasa screen nito ang pangalan ni Brian pati na ang mensahe nito. How's the negotiation? Tuloy ba ang plano? Ayon dito sa nabasa ko. Nag-igting ang mga bagang ko at mahigpit na naikuyom ko ang aking palad. 'Di yata't niloko na naman ako ng babaeng iyon? Nasa madilim akong pag-iisip nang may kumatok. Pigil ang emosyon kong nagtungo roon. P

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD