Unti-unting nabubuwag ang aking determinasyon dahil sa hindi magandang pakikitungo ni Sean. Ramdam ko ang kawalan ko ng silbi ngunit nanatili pa rin ako rito sa opisina kahit maghapon lang akong nakaupo. Pinuntahan ko si Ashley. Siya 'yong matiyagang nagturo sa akin sa prosesong sinusunod sa accounting. Bagot na ako kaya ginambala ko siya. Nasa cubicle niya ako nang mabasa ko ang dokumento sa ibabaw ng mesa niya. Travel itinerary ito nina Sean at Mrs. Cruz patungong Guangzhou, China. Sa makalawa na ang alis nila, Biyernes 'yon. Ang departure nila ay 5:05 ng umaga at darating sila sa China ng 8:55 ng umaga ring 'yon. Halos isang oras ang stopover nila sa Hongkong. Sa Sabado naman ang balik nila. Nagpaalam ako kay Ashley. Bumalik ako sa aking opisina at nag-isip. Bakit magsasama si Sean n

