CRAZY

665 Words
"Pare? Wala ka yata sa mood ngayon?" untag sa akin ni Zack—ang kaibigan ko magmula pa noong kolehiyo. Nagta-trabaho siya sa advertising company ng magulang niya bilang Creative Director. Kaedad ko siya at naging kaklase sa isang minor subject noong college. Kumukuha ako ng HRM noon samantalang Marketing naman siya. Naging magkasundo kami dahil kapareho ko rin siyang mahilig gumimik. Tumabi na siya sa aking tumayo at dumungaw sa labas ng bar ko samantalang ako, nanatiling nakatitig sa papadating kong tao: si Damsel. Alas syete ng gabi hanggang alas dos ng madaling araw ang shift niya ngayon. Hanggang alas dos lang naman nakabukas ang bar ko. "Sino ba'ng tinitingnan mo?" untag muli ni Zack. Sa pagkakataong iyon, tumabi na rin si Zedd sa akin at iniabot ang isang bote ng beer. Kaibigan ko rin si Zedd at kagaya ni Zack, naging kaklase ko siya sa isang minor subject din. Accounting naman ang kinuha niya noon at sa ngayon, nagtatrabaho na siya sa isang banko bilang Branch Manager. Kaedad ko rin siya at mahilig din sa gimik. Nakapagitan na ako sa dalawa. Hindi pa rin ako kumikibo. Hinihintay kong makapasok si Damsel. Siya talaga ang hinihintay ko kaya ako nakatayo sa veranda. Hindi ko alam kung bakit ko pa ginagawa ito samantalang dapat ay hinahayaan ko na lang siya. Nakuha ko na ang gusto ko sa kanya at hindi lang isang beses iyon. Nakalimang pagtatalik pa kami noon. After those mind blowing f**k, I woke up alone in bed. Sinabi sa akin ng mga tao ko na nauna siyang bumalik ng Manila dahil may emergency. Umasta na lang akong balewala pero sa loob-loob ko, alam kong umiiwas siya. It happened two weeks ago but for me, parang kagabi lang nangyari. Sariwa pa ang lahat sa alaala ko. Hindi kagaya ng mga past experiences ko sa ibang babae, agad kong nakalimutan. Pakiramdam ko, ginayuma niya ako. I started to think about her more. Minsan, siya na lang ang hinihintay kong dumating sa bar ko at nakakalma lang ako kapag nakita ko na siya. I always found myself watching her intently. Maipipilig ko na lang ang ulo ko para gisingin ko ang sarili ko. Her moans, her screams before I explode. Her body... her scent... her warm flesh against my d**k. I don't want to admit but... I am starting to lose my mind not having her recently. Sa loob ng dalawang linggo, ganoon ang naging takbo ng buhay namin. She act nothing happened. Pero nabalitaan ko kay Raul, madalas pa rin daw niyang makitang umiiyak si Damsel pagkatapos makausap ang boyfriend sa cellphone. Minsan, natutulala at kadalasan ay hindi na nakikihalo sa mga kasamahan. "Wala," matamlay kong sagot saka tumungga sa bote. Hindi ko sinabi sa kahit na sino ang nangyari sa amin ni Damsel. Kahit ganito ako, pinapanatili ko pa rin ang pagiging pribado ng bahaging iyon ng pagkatao ko. Mananatiling sikreto ang nangyari sa amin dahil ayoko pa ring sirain ang pangalan niya. "Kanina ka pa namin tinatanong pero hindi mo kami sinasagot. May problema ba?" nananantyang tanong ni Zedd. Naupo na lang ako ng makapasok na si Damsel. s**t. Si Damsel na naman! Pinilit ko na lang ang sarili kong ituon ang atensyon sa mga kasama ko. Minsan sa isang linggo na nga lang kami magkita, hindi ko pa sila mahaharap ng maayos. Bumuga ako ng hangin saka tumingin kay Zedd. "May iniisip lang ako. Saan na ba tayo sa pinaguusapan natin?" "Tumawag ako kako ng makakasama natin," ani Zedd saka ngumisi. "Maganda si Chona. I met her last week. Client namin. I invited her and she said yes," Napatingin ako kay Damsel ng lumapit siya sa amin. Nawala na naman ang isip ko sa mga kasama ko at siya ang pinagmasdan ko. Nakasuot na siya ng uniform. May dalang isang tray ng sisig. Bumilis ang t***k ng puso ko ng magtama ang paningin namin. Hindi ko na napansing napatuwid ako ng upo at parang nawala na lahat ng tao sa paligid namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD