ALL I WANT IS YOU

988 Words
"Good evening, sir," magalang na bati niya na siyang nakapagpagising ng huwisyo kong tinangay niya sa isang iglap lang. Bigla akong nainis. And right there and then, I realized why. I was expecting her to act that she still cared about what happened. Ako ang nakauna sa kanya pero hindi siya nag-demand sa akin. Nakanti rin ang ego ko. Hindi ba siya nasiyahan sa naibigay kong ligaya kaya balewala na lang ako sa kanya? "Pare, ang sama ng tingin mo sa waitress mo. Ikaw, ha. Don't tell me..." pambibitin na untag ni Zack sa akin saka bahagyang natawa nang umalis na si Damsel. "Pati bata, pagpapantasyahan mo pa?" Napahiya man, umasta na lang akong balewala lang sa akin ang biro ni Zack. "Shut up," sagot ko saka tumungga sa bote. Natawa na lang sila sa akin pero alam ko, nababasa nila sa kilos ko na kursunada ko si Damsel. I don't give a s**t. Ang tumatakbo sa isip ko ay si Damsel at kung papaano ipapaalala sa kanya ang mga gabing pinagsaluhan namin. Napailing na ako sa itinatakbo ng isip ko. "Ano bang nangyayari sa'yo? Noong isang linggo, hindi ka naman makausap ng matino. Ngayon naman, hindi mo pinapansin ang nire-reto ko sa'yo. Ayaw mo ba kay Chona?" untag sa akin ni Zedd matapos ipakita ang picture ng babae. Napabuntong hininga ako. Maybe, that's what I need: a diversion. Isang linggo na akong nagiisip kung ano ang magandang gawin para mapalapit kay Damsel. Ilang araw akong aali-aligid sa kanya pero nanatili ang matinding pagiwas niya. Naiinis na nga ako sa sarili ko. Hindi ko ugaling maghabol sa babae. Hindi ko rin ugaling ipilit ang sarili ko pero... damn! Pagdating kay Damsel, hindi ko maintindihan ang matinding kagustuhan kong mapalapit sa kanya. Pero papaano ko gagawin iyon kung hindi na niya ako pinapansin? One week ago, inobserbahan ko siya. At gusto kong murahin ang sarili ko dahil ni tingnan ako, hindi magawa ni Damsel. Napahinga ako ng malalim at tumango na lang ako kay Zedd. "Hindi naman sa ayaw. Ano ba? Tawagan mo na nga lang siya." simpleng sagot ko at hindi na ako nagpaliwanag pa. Maya-maya, tumalima siya. Makalipas ang isang oras, dumating si Chona. Maganda siya. Tisay. Matangkad. Sexy. Part time ramp model daw. Agad siyang tumabi sa akin matapos siyang ipakilala at hindi na lumayo. "My place or... your place?" bulong sa akin ni Chona kapagdaka. Namumungay na ang mga mata niya dahil sa tama ng alcohol. Napatitig ako sa kanya. She smiled at me. Isang senyales ng 'come on' para sa akin. Kinapa ko ang sariling damdamin ko. Bakit ganoon? Bakit hindi ako excited? Lihim akong napabuntong hininga. Maybe, all I just needed was to f**k her. Baka sakaling maalis ang hindi ko maipaliwanag na damdamin. "Your place, baby," bulong ko. Her eyes beamed in happiness. Sumenyas na ako sa mga kaibigan kong mauuna na. Bumaba na kami at nasalubong namin si Damsel. Shocked were written in her eyes after she saw me with another woman. Nang makahuma, agad siyang nagiwas ng tingin. Hindi ko tuloy nagawang maglakad dahil gusto ko siyang lumingon ulit sa akin. And then I caught her! My heart palpitated when our eyes locked again. Ganoon ang naramdaman ko noon sa tuwing nagtitigan kami habang nagtatalik kami. Everything around us seemed to disappear. My heart beats so wild. It was so hard for me to breathe. And there's one thing I realized that time: all I want was her. Napalunok ako sa naisip ko. My heart cringed. I was suddenly shocked at my heart's reaction. Habang tumatagal, tumitindi, lumalalim at mahirap para sa aking intindihin... "I think I pass this time," wala sa sariling anas ko habang nakatitig pa rin kay Damsel na patuloy sa pagpupunas ng mesa. Tumalikod na siya sa amin at nagpaka-busy sa ginagawa. "What?" gulat na tanong ni Chona. Parang nawala ang kalasingan niya sa sinabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga. Naisip kong isang malaking kalokohan na naman ang gagawin ko. Pati si Chona ay madadamay. Dadayain ko lang sa nararamdaman ko kaya nag-decide akong itigil na iyon. "Pasensya ka na," magalang kong tanggi. Napanganga si Chona hanggang sa namula ang mukha sa sobrang inis. Inirapan niya ako. Napabuntong hininga ako ng magmartsa siyang palabas ng bar. Hindi ako nakaramdam ng panghihinayang. Tama na ang lahat ng iyon at kailangan kong harapin ang damdamin ko... "Damsel," tawag ko. Pigil hiningang hinintay ko ang paglingon niya na ewan ko ba kung bakit parang bumagal. Parang naging slow motion! "Yes, sir?" sagot niya. Napakurapkurap ako. Damn it! Bigla ko siyang tinawag na hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko! Gusto ko ng iuntog ang sarili ko sa litong nararamdaman. "N-Nothing. Continue working," tanging sagot ko saka umalis. Bumabayo ang dibdib ko habang papasok sa opisina ko. Pagkasarang-pagkasara ng pinto, napabuga ako ng hangin! Damn it! Para akong engot kanina! I just sat there thinking of any other way how to talk to Damsel. Lumabas na lang ako ng maguwian na. Gusto kong kausapin si Damsel pero ng makita kong wala na ang mga tao ko, napakamot na lang ako ng ulo. Sa kakakuha ko ng buwelo, nawalan na naman ako ng pagkakataon! Kinuha ko na lang ang susi ng sasakyan at lumabas. Si Mang Kosme na lang ang nasa bar—ang guard ng Ray's Den. Sumaludo muna siya sa akin bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan. Napatingin ako sa rearview mirror para umurong ng magulat dahil nakita kong nakatayo si Damsel hindi kalayuan sa likod ng sasakyan. Para masiguro ko, binuksan ko ang bintana at dumungaw. Kumabog ang puso ko nang mapagtantong siya nga iyon. Mukhang nagaabang siya ng taxi. Napahawak ako sa manibela ng mahigpit. Iyon na ang gintong pagkakataon. Nakahain na naman sa harapan ko. Kumabog ang dibdib ko sa napagtanto. Naisip kong hinding-hindi ko na palalampasin iyon. Lumabas ako at nilapitan siya. Halos hindi na ako makahinga ng sandaling makatapat ko si Damsel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD