Austin POV. Nakaupo ako sa may gilid kasama si Mark, dumiretso na kasi sila Sophie at Blaire sa tent nila pag katapos ikutin itong camp site. "Nakakapagod." Sabi ni Mark, napatingin naman ako sa kanya. "Bakit ka naman napagod, naglakad lang naman tayo." "Oo, kayo naglakad lang ni Sophie, pero kami ni Blaire, kung saan saan pa kami napadpad." Sabi niya saakin na nahihiya. "Haha... Yan kasi sumama ka sa kanya, napansin ko din kasi na masyadong energetic si Blaire." Sabi ko naman sa kanya at inakbayan siya, para naman kahit papano maging komportable siya saakin. "Sobra, pero salamat ah, dahil sayo nagkaroon ako nang mga kaibigan." Sabi ni Mark sakin na nakangiti. Bigla namang dumating si Kobe at humarap saakin ng seryoso. "Let's talk." Sabi niya sakin makikita naman sa mukha niya na

