Sophie POV Kakagising ko lang at nakahiga lang ako dito sa loob nang tent habang katabi si Blaire na ang sarap sarap nang tulog at halos mag laway pa sa unan niya. kinuha ko naman yung phone ko at tinignan yung oras. Ang aga pa pala, sabagay maaga din ako na natulog, napagpasiyahan ko namang lumabas nang tent, pag labas ko agad akong pumunta sa pinuntahan naming puno kahapon kung saan kami kumuha nang Manga, medyo madilim pa pero gusto ko nang peace of mind. sana nga lagi nalang ganito, yung walang problema, paano kaya kung hindi ko nakilala si Kobe ano kayang magiging buhay ko ngayon, siguro tahimik.... siya lang naman yung dahilan bakit ako nagkanda stress stress sa buhay, buti nalang nga nandiyan yung mga kaibigan ko . "Hay naku, sana laging ganito." Sabi ko at naupo sa may damuhan

