Nagulat na lang ako sa ginawa niya sa akin. Lol. Hindi ko naman inaasahan na aakma siya nang halik sa akin at hindi niya itutuloy. Hanggang sa bigla kong naitanong ang patungkol sa personal na buhay niya. “May girlfriend kana ba Austin? Or may namamalagi na bang espesyal na tao sa puso mo?” tanong ko sa kanya. Medyo nahiya pa ako dahil baka kung ano ang isipin niya sa pinag tatanong ko. “Hmm… hindi ko masabing mayroon, hindi ko rin naman masabing wala, bakit mo natanong sa akin Sophie? May balak ka bang ligawan ako?” tanong niya sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya. Halata ba na gusto kong manligaw? At saka ang angas niya ha. Ako pa talaga ang may balak na manligaw sa kanya. Wow! Hiyang hiya ako sa sarili ko kung ganun man lang ang maging kahihinatnan nang buhay ko. Babatukan ko sana siya k

