Mark POV "Dito tayo." Tawag samin ni Blaire at pinaupo kami sa kahoy na upuan, halos hindi padin ako makapaniwala na sinama nila ako grupo nila. Masaya ako na kinakabahan pero kailangan kong makibagay sa kanila, medyo mahirap naman kasi halos wala akong kaibigan sa school, lalo na nung nasa elementary palang ako. Flashback -Elementary days- "Mama, papasok na po ako, bye po." Sabi ko sa Mama ko sabay halik sa kanyang pisngi at yakap. "Mag ingat ka ah." Sabi ni Mama sakin na nakangiti, nginitian ko naman siya at dumiretso na na lumabas ng bahay. Paglabas ko nang bahay sinalubong naman ako nang aso namin. "Max! Paalam na muna, may pasok ako ngayon kaya hindi muna tayo makakapaglaro." Sabi ko kay Max sabay yakap sa kanya, araw araw kasi kaming nag lalaro ni Max nung hindi pa ako nagsim

