Ilang araw na rin ang nakalipas, hindi pa rin ako tinitigilan ni Austin na kulitin, ewan ko ba kung bakit ganito na naman ang trip ni Austin sa akin, minsan napipikon ako minsan naman namamanhid ako, minsan nasasanay na rin ako sa kakulitan niya. Katatapos lang naman din nang klase namin Mabuti naman at walang quiz na nangyare dahil medyo masakit pa ang ulo ko sa K-Drama dahil tinapos ko ang buong season 1 kagabi. Eh ang ganda naman kase nang palabas eh, iyong feeling na damang dama mo ang bawat linya nang karakters oh my gosh! Asang asa din ako na may prince charming din ako. Iyong mayaman tapos sweet. Lord bigyan mo ako nang sign kung sino man ang dapat sa akin. Nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin. “So saan lakad natin ngayon?” tanong niya sa akin. Animal. Lord? Si Austin ba an

