Nang bumukas na ang pinto ay bumungad sa amin ang mama ni Sophie. “Anong nangyayare dito? Napaano ka Sophie?” tanong sa kanya nang kanyang mama. Makikita mo talaga sa mga mata nang kanyang ina ang pag aalala. Nagka tinginan kaming dalawa ni Austin. “Tita okay lang ba na pumasok muna kami sa loob at ipiliwanag ko ang lahat?” sabi ko kay Mrs. Lopez. Ibinukas ng mas malaki ang pinto ni Mrs. Lopez at pumasok na kaming dalawa ni Sophie. “Tita? Mayroon ka bang napkin? May menstration kase si Sophie, nag simula na rin sumakit ang ulo niya at saka puson,” hindi ko na napigilan na tanungin si tita dahil kawawa naman si Sophie. Ganun ba? Saglit at titingnan ko muna sa loob nang kwarto nila. Nang makarating si tita ay wala siyang nahanap. Mali naman siguro kung si tita pa ang pabibilhin ko nang n

