MAINGAT NA inilapag ni Blumentritt si Trutty sa kama. She stirred but she didn’t wake up. Niyakap nito ang unan at patuloy na nahimbing. Napangiti siya nang marinig ang banayad nitong paghilik. Everything about her was lovely and feminine. Kailangan na niyang umalis, alam niya, ngunit patuloy niyang pinagmasdan ang natutulog na dalaga. Dalawang oras na lang ay sisikat na ang araw. Kailangan na rin niyang magpahinga ngunit hindi niya magawang utusan ang katawan. She had been not sleeping. Pagbukas nito ng pintuan kanina ay kaagad niyang nakita ang ibinagsak ng katawan nito. Hindi lang dahil sa mga pangyayari sa mga nakalipas na araw kundi pati na rin sa sitwasyon na pinaglagyan niya rito. He knew about her being an insomiac but she had never looked this stressed and tired. Pagkakain ay t

