ISANG LINGGO pang hindi nakasama si Blumentritt sa shows at events ng The Charmings. Ilang linggo na kailangang manatili ni Alana sa ospital para sa rehabilitasyon nito. Ayon sa nalaman ni Trutty mula sa kakambal ay kinailangan pa ring obserbahan ang kalagayan ni Alana kaya mananatili ito sa ospital. Hindi pa rin nakakalakad ang dalaga ngunit patuloy ang pagganda ng kalagayan nito. Hindi pa masabi ng mga doktor kung pansamantala o permanente ang pagkawala ng memorya nito. Halos hindi nawawala si Blumentritt sa tabi ni Alana. Naitanong daw siya ni Alana kay Tutti. Nang malaman nitong kambal sila ay hiniling nitong bumisita naman siya minsan. Itinaon ni Trutty ang pagbisita sa unang araw ng pagbabalik trabaho ni Blumentritt. Abala rin sa araw na iyon si Mrs. Tolentino kaya personal nurse

