HINDI TINAGURIANG young fashionista si Trutty Charles Madrigal nang walang dahilan. Hindi siya hinahangaan sa fashion industry dahil sa husay niyang gumawa ng damit at magbihis ng celebrities. Hindi rin dahil sa maganda niyang mukha kahit na nakatulong iyon nang malaki. It was the way she carried herself. Anuman ang mapagpasyahan niyang isuot sa sarili, gaano man kamahal o kamura iyon, sinuman ang gumawa, anuman ang lebel ng discomfort, puno siya ng kumpiyansa sa pagdadala niyon. Her confidence was her biggest asset. Trutty enjoyed dressing up for Rae’s party. Mas mukhang pantulog ang kakulay ng champagne na mini-dress na suot niya. Halos hindi umabot ang haba niyon sa gitna ng kanyang hita. Magiging malaswa marahil ang kasuotan kung walang pang-ilalim na puting T-shirt. Naisuot na niya

