19

1277 Words
NAHIHIRAPAN pa ring huminga si Trutty kahit na nakailang hakbang na siya palayo sa silid ni Alana. Nais sana niyang tumakbo palayo ngunit hindi niya makalap ang kinakailangang enerhiya upang gawin iyon. Nahihirapan din siyang magpigil ng mga luha.  Trutty was never the crying type. Kahit na sa mga pelikula at palabas sa telebisyon ay hindi siya madaling naiiyak. Growing up, she had no reason to cry. She had a wonderful life. She was one of the popular kids in school so she was never bullied. Kahit na nahirapan sa pagiging designer, hindi nagkaroon ng mga pagkakataon na nakaramdam siya ng urge na umiyak. She got everything she wanted and needed. Hindi madali sa ibang aspeto ngunit hindi siya kailanman umiyak sa kawalan ng pag-asa. Mas madalas na naluluha siya sa mga bagay na labis na nagpapasaya sa kanya. Ngayon lang yata niya naranasan ang ganoon. Iyon naiiyak siya sa pinaghalong helplessness at frustration. Nais niyang magalit kay Blumentritt o kay Alana ngunit hindi niya ganap na magawa. Naiinis siya sa kanyang sarili dahil hinayaan niya ang puso niyang magmahal ng maling lalaki. Hinayaan niyang masaktan siya. “Hey, `you okay?” Nag-angat ng paningin si Trutty nang marinig ang isang pamilyar na tinig. Hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya si Andres, suot ang doctor’s white coat. Nakalagay sa bulsa niyon ang stethoscope. Bahagyang nagsasalubong ang mga kilay nito sa pinaghalong pagtataka at pag-aalala. “It’s Andres kung hindi mo maalala,” ang malumanay nitong sabi. “Are you okay?” Kahit na paano ay nakakagaan ng dinadala ang maamo at concerned na mukha ni Andres. “Naaalala kita siyempre, Andres.” Ilang linggo na rin mula nang huling beses silang nagkita ngunit hindi niya ganap nakalimutan ang guwapong doktor. “I’m okay. I just need some air.” “I know a place.” Dinala ni Andres si Trutty sa oncology wing. Magtatanong sana siya kung bakit sila naroon ngunit dinala siya nito sa isang pribadong hardin. Napakaraming halaman na namumulaklak roon at masarap sa mga mata ang naggagandahang mga kulay.  “Are you sure it’s okay to be here?” pabulong na tanong ni Trutty. Bumubulong siya dahil napakatahimik ng lugar. Ayaw niyang istorbuhin ang iilang tao na naroon. Ang ilan ay nagbabasa ng libro. “Ginawa ang lugar na ito para sa mga pasyente at bantay na nananawa na sa hospital environment. Para rin sa mga doctor na stressed at kailangan ng breathing room,” wika ni Andres habang pinauupo siya sa isang mahabang wooden bench. Ilang sandali na iginala ni Trutty ang paningin sa paligid. Kaagad niyang naramdaman ang pagganda ng pakiramdam. May natitira pa ring lungkot sa kanyang dibdib ngunit hindi na siya naiiyak. “Thank you for sharing this place with me.” “Maliit na bagay.” “Hindi ba kita naaabala?” “I’m on a break. Isang oras pa sa rehabilitation room ang pasyente ko.” “You like being a doctor?” pag-uusisa ni Trutty. Nais niyang ibaling sa ibang bagay ang isipan at nais din niyang alamin ang mga bagay-bagay tungkol kay Andres. Itinuturing na niyang kaibigan ang guwapong doktor. Tumango si Andres. “Doctor ang umampon sa akin. Habang lumalaki ay nakita ko kung paano niya ginamit ang propesyon para makatulong. Ang daddy ko ang pinakahinahangaan kong tao sa mundo hanggang sa ngayon. Kaya naman ginusto ko na maging katulad niya.” “Neurologist din siya?” Umiling si Andres. “Cardiologist.” Banayad na natawa si Andres. “What?” “Usually kapag sinasabi kong ampon ako, doon na nagpo-focus ang pinagsasabihan ko. Lahat ng kasunod na tanong ay tungkol na sa pagiging ampon ko.” “Hindi lang naman ikaw ang taong inampon. May kapatid ka?” “Yeah. A younger sister. Technically, siya ang talagang umampon sa akin.” “Doktor din?” Napuno ng lungkot ang mga mata ni Andres. “No. She... she... uhm...” Humugot muna ang binata ng malalim na hininga bago nagpatuloy. “Well, I don’t—can’t really know. She died more than ten years ago.” “Oh. I’m sorry.” “It’s okay. May mga pagkakataon na iniisip ko kung ano siya ngayon kung nabuhay siya. Hindi ko malaman kahit na kumuha siya ng chemical engineering noong college niya. I didn’t think she’d be an engineer. But she’d be great no matter what.” “If you don’t mind my asking, ano ang ikinamatay niya?” “Aksidente. Vehicular accident.” Hindi nakaligtas sa pansin ni Trutty ang pagmamahal at pangungulila ni Andres sa kapatid. Hindi rin niya naiwasang ikompara ang doktor kay Blumentritt. Parehong hindi lumaki ang dalawa sa mga tunay na magulang. Parehong namayapa na mga kapatid dahil sa vehicular accident. Napabuntong-hininga si Trutty sa itinatakbo ng isipan. Wala na ba talaga siyang ibang iisipin kundi si Blumentritt? “What’s that for?” ang nakangiting tanong ni Andres. I’m getting to know you pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang ibang lalaki. Hindi naman sa ginagamit kita para ma-distract ko ang sarili ko. Well, medyo siguro. Slight.  Muling nagpakawala ng buntong-hininga si Trutty. “Have you been in love, Dr. Asuncion?” Banayad na natawa si Andres. “Of course.” Tumango-tango si Trutty. “At nasisiguro kong marami na ring babae ang na-in love sa `yo. But have you ever experienced an unrequited love? Siguro hindi. Wala sa hitsura mo.” “Unrequited love. The most popular love?” Sabay silang natawa. “Wala rin sa hitsura mo ang nakakaranas nang ganoon.” May nakitang paru-paru si Trutty. “Siguro parang paru-paru minsan ang pag-ibig. Makulay at masarap pagmasdan. Hindi lang ang mga makukulay at magagandang pakpak ang kaakit-akit pagmasdan, pati na rin ang graceful na galaw. Hindi mo malubayan ng tingin. Kapag sinubukan mong hulihin, lalong lumalayo. Pilit mo pa ring hahabulin, susubukang hulihin. Pero mabibigo ka.” “Wow,” usal ni Andres. “You are really in love.” Nanunudyo man ang tinig, may pang-unawa namang nabasa si Trutty sa mga mata ng binata.  “What happened to your unrequited love?” “I got over it. I moved on,” kaswal nitong sabi. “Madali?” “Siyempre hindi.” “Kung kaya ng ibang tao, kaya ko rin siguro.” Hindi man gaanong kumbinsido si Trutty, naglakas-loob pa rin siyang ipahayag iyon. Baka sakaling paniwalaan niya. Waring nagpoprotesta ang kanyang puso sa plano niyang gawin ngunit ano pa nga ba ang ibang pagpipilian niya? “Love sucks,” ani Andres, nagbibiro ngunit medyo seryoso rin. Sunod-sunod ang naging pagtango ni Trutty. “Love does sucks. Hindi na dapat nauuso iyon.” “Agreed.” “Thank you, Andres.” “Kung gusto mo talagang magpasalamat, have dinner with me this Friday.” “Smooth.” Ikinaaliw ni Trutty ang imbitasyon kahit na paano. Waring nahiya si Andres. “A friend told me I have to go out and socialize. I should talk to someone. Really talk to someone. Someone na sumasagot nang totoo. Tutal mukha namang kailangan mo ng kaibigan at hindi talaga natin naituloy ang unang dinner date na plinano natin...” “Mukha na ba akong kaawa-awa?” Hindi man gaanong naintindihan ni Trutty ang ilan sa mga pahayag nito, nakahanda pa rin siyang maging kaibigan ang kaakit-akit na doktor. Kailangan niyang aminin na nais niyang i-entertain ang posibilidad ng isang mas magandang relasyon sa pagitan nila. She was a female and he was an attractive male. Siguro ay isang uri rin ng defense mechanism ang ganoong pag-iisip ng mga babaeng katulad niya ang sitwasyon. “Medyo,” ang pabirong tugon ni Andres. “Pero mas kawawa siguro ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD