ANG “SOMEWHERE” na tinutukoy ni Blumentritt ay sa Dr. Rizalino Mendoza Memorial Hospital. Habang patungo sila sa silid ni Alana ay hindi mapagpasyahan ni Trutty kung kailangan niyang sabihin kay Blumentritt na nakapasok na siya sa silid na iyon. Magagalit kaya sa kanya ang binata?
Hinagkan ni Blumentritt ang noo ni Alana. His eyes were gentle and loving. Hindi pinansin ni Trutty ang naramdamang kurot sa kanyang puso. Hindi iyon ang panahon.
Nilingon siya ni Blumentritt, may alanganing ngiti na nakaguhit sa mga labi. “Alana, this is my good f-friend, Trutty Charles. Charles, I’d like you to meet Alana.”
Sinikap ni Trutty na ngumiti. “Hello, Alana.”
Naupo si Blumentritt sa mahabang sofa bed na medyo may kalayuan sa hospital bed. Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito at inudyukan siyang maupo. Dahan-dahan na tumalima si Trutty.
“Alam kong marami kang tanong,” panimula ni Blumentritt habang nakatuon ang mga mata kay Alana. “Alam ko na naguguluhan ka sa mga nalaman mo.”
“Nasa `yo kung gusto mong magsimula sa pagkukuwento ngayon. Hindi kita pipilitin kung hindi ka komportable.” Ang totoo ay atat na siyang malaman ang mga bagay-bagay ngunit kailangan din niyang intindihin ang kalagayan ni Blumentritt. Sa mahabang panahon ay isinekreto nito ang katauhan nito at ang tungkol kay Alana. Hindi magiging madali ang pagsasabi ng pinagdaanan o ng nararamdaman.
“Isa sa napakaraming bagay na nagustuhan ko sa `yo, Charles, ay ang pagiging selfless mo. Palagi mong inuuna ang kalagayan at nararamdaman ng iba. Kahit na nahihirapan ka, hindi mo ipipilit ang gusto mo. I’m sure you’re rationalizing in your mind right now. Okay lang na magalit sa akin. I kept major things from you, from my close friends.”
“May karapatan ka namang itago ang anumang gusto mong itago. At hindi naman ako galit sa `yo.” Totoong hindi galit si Trutty kay Blumentritt. May kaunting tampo marahil ngunit mauunawaan din niya marahil pagkatapos nitong magpaliwanag.
“That’s not how friendships work. Natutunan ko iyan sa mga panahon na kasama ko kayo. I should’ve told you things, you should know. Hindi naglilihim ng ganito ang isang totoong kaibigan.”
“You were probably scared.”
“Yes. I’m still scared. Ayokong magbago ang tingin n’yo—mo sa akin.”
“Hindi magbabago ang tingin ko sa `yo.” Pagkatapos iusal ng mga labi ni Trutty ang mga katagang iyon ay kaagad niyang nabatid na totoo sa loob ang sinabi. Malakas ang pakiramdam niya na anuman ang malaman niya ngayon, hindi gaanong magbabago ang tingin niya kay Blumentritt.
“Really?” Tumingin si Blumentritt kay Trutty at sinalubong ang mga mata.
Waring pinisil nang mariin ang puso ni Trutty nang malantad ang vulnerability sa tinig at mga mata nito.
“Hindi mo iniisip na isa akong malaking fake na siyang totoo?”
Umiling si Trutty. “May mga bagay kang hindi sinabi, pero hindi naman ibig sabihin niyon ay fake na ang lahat ng ipinakita mo sa amin. Kilala ka namin. Alam namin ang essence ng personality mo. Kabisado na namin ang core characteristics ng isang Blu. Hindi mo naman mafe-fake ang mga bagay na ganoon.”
“Thank you for always being you, Trutty,” wika ni Blumentritt, nakatingin pa rin sa mga mata ni Trutty.
Iniiwas ni Trutty ang mga mata dahil hindi niya matagalan ang tingin ni Blumentritt. Ano ang magandang tugon sa pasasalamat nito. “Walang anuman”?
“Tell me things when you’re ready,” wika ni Trutty sa tinig na pinagsumikapan niyang pagtunuging magaan.
“I’m ready now.” Humugot nang malalim na buntong-hininga si Blumentritt bago nagsimula. “The complication of my life started when my father had an affair with a crazy woman. Her name was Sally. Hindi ko maalala ang mahabang psychiatric diagnosis niya. Basta there was something wrong with her. She’s good in manipulating people, especially men. Madali niyang napasunod sa mga gusto niya ang daddy ko.”
“Wait a second,” ang pagsansala ni Trutty. “By father, you’re talking about the senator, right? Senator Ernest Tolentino?” Kanina pa niya iyon naisip, nais lang niyang kumpirmahin.
Tumango si Blumentritt. “Yes, he is my biological father.”
“Continue, please.”
“Iiwan na ng dad si mommy noon pero nalaman na ipinagbubuntis na ako. Kung may mas mahal ang daddy kaysa kay Sally, iyon ay ang ambisyon niyang maging presidente ng bansang ito. Hindi magiging maganda ang impact sa tao kung lalaganap ang impormasyong iniwan niya ang asawang buntis para sa isang kabit. Sa palagay ko ay tinakot din siya ng lolo ko na idi-disown kung itutuloy niya ang plano niya. Dahil doon, naging obsessed daw sa akin si Sally. She tried to smother me when I was baby, according to Mom. Hindi siyempre naniwala ang daddy. Anghel si Sally sa paningin niya. Sa binyag ko, nakagawa siya ng paraan para makapasok. Mommy was a bit paranoid at that time. Iba rin siguro talaga ang instinct ng ina. Nang iwanan niya ako sa isang silid, kinuha ako ng isang pinagkakatiwalaan niyang tauhan, si Meripen. Yes, the same Meripen who’s always around. Inilipat niya ako sa ibang chamber at pinalitan ng manyika ang nasa crib. Nanatili ang yaya ko para makompleto ang epekto. Nang bumalik si Mommy sa kuwarto, nakahandusay na ang yaya. Dinudugo ang ulo at binawian ng buhay sa ospital. That was when Mommy decided to send me away. Hindi titigil si Sally hanggang sa hindi niya ako nakukuha, hanggang sa hindi nawawala ang pinaniniwalaan niyang hadlang para makuha ang dad.
“Meripen has a distant cousin who recently lost a baby and husband. Kare-recover lang niya sa post-natal depression. Her name’s Louise, ang mom ko na nasa Washington. Alam ni Mom na delikadong ibigay ako sa isang magulang na ganoon ang estado. Nasisiguro niya na mahihirapan na siyang mabawi ako. Pero naisip niya na ang ganoong klase ng ina ang magbibigay ng magandang proteksiyon. Iyon ang klase ng ina na gagawin ang lahat para hindi ako masaktan ng ibang tao. Mas inisip niya ang kaligtasan ko. Ginawan nila ng paraan para makaalis kami ng bansa. Hindi nawala sa tabi ko si Meripen. He’s always at a distance but he had been always there. I had a normal life in Seattle. Naging napakabuti ng mga kinalakhan kong mga magulang. I was sixteen when they told me the truth. Are you still okay, Trutty?”
Umiling si Trutty. Parang nanlalaki ang kanyang ulo. Hindi niya gaanong mapaniwalaan ang mga naririnig mula kay Blumentritt. Ang mga ganoong kuwento ay nangyayari lamang sa mga pelikula, palabas sa telebisyon at mga libro, hindi sa totoong buhay.
“Parang mahirap lang i-proseso kaagad ang mga sinasabi mo, Blu. Hindi mo `ko niloloko, hindi ba?” Bago pa man masagot ni Blu ang tanong na iyon ay sinagot na ni Trutty ang sarili. “Of course hindi mo `ko niloloko. Walang dahilan para gumawa ka ng ganitong uri ng kuwento.”
“Kahit na ako noong unang nalaman ang kuwento ay hindi ko rin mapaniwalaan. Pakiramdam ko ay bigla akong napasok sa isang telenobela at sinusubukan kong makawala mula noon. Being a former first grandson had been overwhelming enough. Would you like me to continue? There’s more.”
Tumango si Trutty kahit na hirap na siyang iproseso ang mga bagay-bagay na nalaman niya tungkol sa binata.
“Hindi ko na maalala kung kailan ko eksakto na-realize na hindi ako bioligical son ng kinalakhan kong mga magulang sa States pero in a sense ay alam ko, naramdaman ko. Hindi naging big deal sa akin ang bagay na iyon dahil naging mabuti naman sila sa akin. Maayos naman akong napalaki. Sagana ako sa lahat ng bagay. Alam ko na hindi kami mayaman na mayaman pero hindi ako kailanman nahirapang makuha ang mga kailangan o gusto ko pagdating sa mga materyal na bagay. It was not as if I’m the only adopted child in the States. Idagdag pang wala akong masyadong pakialam sa mga ibang bagay maliban sa music. Ang kinalakhan kong ina ang nagdesisyon na sabihin sa akin ang totoo. Ayaw niyang maging komplikado ang mga bagay-bagay para sa akin pagdating ng araw. Noong mga panahon na iyon, off the grid na si Sally. Tahimik na ang buhay nila. Pakiramdam nila ay wala nang gaanong panganib. Naisip din ni Mama na mas maiging aware ako para makapag-ingat ako, in case.
“Noong unang beses kong nakilala ang pamilyang pinanggalingan ko, hindi ko mapaniwalaan. Do I really belong to them? Napakaraming beses kong naitanong iyan sa sarili ko. I’m so different. Hindi ko mapaniwalaan na galing ako sa pamilya ng mga politiko. Ni hindi ko noon kayang paniwalaan na apo ako ng isang dating presidente ng bansa. Nalaman ko na mayroon akong nakatatandang kapatid, kuya. Lumaki akong only child, nasanay akong only child pero hindi ako gaanong nahirapan sa adjustment dahil na-realize ko na gusto ko ang pagkakaroon ng nakatatandang kapatid.” Nangulimlim ang mukha ni Blumentritt. Mababakas ang hindi masukat na lungkot sa mga mata nito.
Hindi na kailangang magtanong ni Trutty kung nasaan na ang nakatatanda nitong kapatid ngayon. Alam niya na sumakabilang-buhay ang panganay na anak ni Mrs. Tolentino. Hindi lang niya kabisado ang mga detalye ng pagkamatay nito.
“His name’s Jose Marie, everyone calls him Pepe. Sa America kumuha ng masteral degree si Kuya Pepe. Sa tuwing may libre siyang panahon, pinupuntahan niya ako. We went to games—football, basketball, baseball. Buo ang suportang ibinigay niya sa passion ko sa music. Madalas niyang sabihin noon na huwag kong masyadong isipin o pansinin ang mga sinasabi ni Dad, ng senator. Dad wanted a political empire or political dynasty, I don’t really know how they call it. Gusto niyang pasukin ko rin ang mundo ng politika. He hated that I was so into music, that I’m musically gifted. He wanted me to apply in an Ivy League taking up Law or Economics. Gusto niyang sumunod ako—kami sa mga yapak ni Lolo.”
“The former president,” paglilinaw ni Trutty.
Tumango si Blumentritt. “The former president of the country.”
“I don’t even...” Namimilog ang mga mata ni Trutty. His grandfather had been a good president. He lead a simple life, never extravagant. He was kind and firm leader. Nang matapos ang termino nito, marami ang humimok na tumakbo itong muli at ipagpatuloy ang magandang nasimulan, ngunit mas pinili nitong huwag nang palawigin ang termino. Hanggang ngayon ay pinahahalagahan pa rin ng marami ang opinyon at sinasabi ni Jose Tolentino, pampolitikal man o sa ibang mga bagay.
Tumango si Blumentritt. “My grandfather is awesome. I just wish I can say the same to my dad. Mula sa simula ay hindi na kami nagkaroon ng koneksiyon. Hindi ako nasaktan noong tinanong niya si Mom kung kanya ba talaga ako dahil tinatanong ko rin ang sarili ko kung siya nga ba talaga ang ama ko. Pero sumailalim na ako sa paternity test noong bagong silang ako. Nagpa-test kami uli noong nalaman ko ang totoo. Hindi nakatulong na kahawig ko ang lolo noong kabataan niya.”
Pinagmasdan ni Trutty ang mukha ni Blumentritt. Ngayong nabanggit na nito, nabatid niyang kahawig nga talaga nito ang dating presidente ng bansa. “One of these days, I’m gonna make you wear glasses,” sabi ni Trutty sa seryosong tinig. Trademark ng lolo nito ang salamin sa mga mata.
Banayad na natawa si Blumentritt. Isang totoong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Trutty. Naliligayahan siyang malaman na sa kabila ng sitwasyon ay napapagaan nila ang atmosphere.
“I went to Juilliard, sa kabila ng protesta ni Dad. He threatened to disown me but I didn’t really care, you know. Nabuhay ako sa napakahabang panahon na maayos. Hindi ko kinailangan ang suporta niya. I got a scholarship. Sa palagay ko ay tama lang na gawin ko kung ano ang gusto ko, pagtuunan ng pansin ang aspeto na alam kong mahusay ako. Hindi ako gaanong pinilit ng lolo dahil kay Kuya Pepe. May interes si Kuya sa politika, sa totoong public service. Totoong mahal niya ang Pilipinas at nais niyang mapaunlad ang bansang ito. Kung nabuhay siya, nasisiguro ko na magiging mahusay siyang public servant. Nasisiguro kong ibibigay niya ang lahat—kakayahan at buong puso.”
Nanumbalik ang hindi masukat na kalungkutan sa mga mata ni Blumentritt. Nabatid ni Trutty na hindi pa rin nakaka-recover ang binata sa pagkamatay ng nakatatandang kapatid. Nahirapan marahil ito sa pagkimkim ng mga nararamdaman sa nakalipas na mga taon.
“Maaga akong natapos sa college. I was what they call a... virtuoso. I performed onstage for a while. Toured for less than a year. Pero hindi ko sigurado kung iyon ang talagang gusto kong gawin. All I know for certain is I wanna do music. Hindi ko lang sigurado kung saang direksiyon ang pupuntahan at susubukan. Marami akong natanggap na offers pero wala talagang makapukaw ng interes ko. Nagdesisyon akong umuwi ng Pilipinas. Ilang taon nang nakabalik ang Kuya at nasimulan na ang pagsisilbi sa publiko. Things were good. Masaya ang pamilya sa pag-uwi ko. Gusto akong ilantad sa publiko ni Dad. Makakatulong daw akong mapaganda ang imahe ni Kuya Pepe sa publiko. Sa palagay ko noon ay hindi na kailangang pagandahin ang imahe ng kuya. Sa totoo lang, si Dad ang mas nakakasira ng imahe nina Kuya at Lolo dahil sa mga eskandalong kinasangkutan niya. Hindi pumayag si Kuya na mailantad ako sa publiko. Bukod sa alam niyang hindi ako magiging komportable kahit performer akong maituturing, nag-aalala siya kay Sally. Hindi nakakalimutan ni Mom si Sally. We heard she married a wealthy Italian.”
Tumayo si Blumentritt at lumapit kay Alana. Hinawakan nito ang kamay ng dalagang nakaratay. “Nakilala ko si Alana sa pagtapak ko sa Pilipinas. The first time I laid eyes on her, hindi ko kaagad naramdaman ang atraksiyon. Gradual nahulog ang loob ko sa kanya. She’s a law student. She’s smart and funny and friendly. Mahal na mahal siya ng pamilya ko. Kahit na si Dad ay mabuti sa kanya. Noong una, inakala ko na dahil lang sa utang-na-loob. Or nagko-compensate ang pamilya ko sa nangyari sa nanay niya. Ang nanay niya ang yaya na namatay dahil sa akin. Parang anak na babae si Alana kay Mom. Siya ang pumunan sa absence ko. Hindi ko alam noong mga panahon na iyon na gustong-gusto nila si Alana dahil siya ang future daughter-in-law. She was the perfect future first lady. Magiging presidente si Kuya Pepe at kailangan niya ng isang mahusay na first lady. Iyong hindi lang maganda sa papers, may utak at may malasakit sa bayan at mga mamamayan. Aktibo si Alana sa maraming charities mula pagkabata. In a way, para siyang si Mom. Or she was groomed to be someone like Mom.”
“S-she’s your brother’s fiancee?”
Nagkibit ng balikat si Bluentritt. “Parang ganoon na parang hindi. Alam nina Alana at Kuya Pepe ang gusto ng matatanda pero wala silang opisyal na relasyon. Being an only child, hindi ako sanay na may ibang damdamin na isinaalang-alang. Wala akong naging kaagaw sa kahit na ano. Kinumbinsi ko ang sarili ko na walang anything romantic na nararamdaman para sa isa’t isa sina Kuya at Alana. Inisip ko na pagbibigyan lang nila ang matatanda. Wala namang magagawa si Alana dahil itinuturing niyang malaking utang-na-loob ang suporta ng pamilya ko sa kanya. Kuya was too focused on his political dreams to think of anything else. So naging malapit kami ni Alana sa isa’t isa. Habang nakikilala ko siya, mas lumalalim ang nadarama ko para sa kanya. It was safe to say that Alana felt something special for me also. Dahil siguro masyado kaming abala sa nararamdaman namin para sa isa’t isa, hindi namin kaagad na-realize na may nasasaktan na pala kaming ibang tao.”
“Your Kuya Pepe.”
Malungkot na tumango si Blumentritt. “Hindi namin napansin na iniiwasan niya kami, hindi kinakausap. Hindi ako naging mabuting kapatid kay Kuya Pepe.”
“I’m sure that’s not true,” ang mariing sabi ni Trutty.