KAHIT NA PAANO ay napangiti si Blumentritt sa sinabi ni Trutty Charles. Puno ng kumbiksiyon at kasiguruhan ang tinig nito. Alam niya na buo talaga ang paniniwala nitong naging mabuti siyang kapatid kay Jose Maria at ganoon din ang paniniwala ng nakatatanda niyang kapatid. Mali ang inaakala nito ngunit hindi na niya iyon isinatinig dahil alam niyang hindi naman maniniwala ang dalaga.
Pinagmasdan ni Blumentritt ang kamay na hawak. Nahihirapan siyang sabihin sa iba ang nangyari, ngunit ramdam din niya ang unti-unting pagkawala ng bigat sa kanyang dibdib. Parang napapawi kahit papaano ang lungkot at kirot. Tama ang sinabi ng mom, kailangan niya ng kaibigan. O sadyang ganoon ang kanyang nadarama dahil si Trutty ang kanyang pinagsasabihan. Halos wala sa loob na napahigpit ang hawak niya sa kamay ni Alana. Awtomatiko ang pagsalakay ng guilt.
“I’ve been a horrible person, Charles.”
Umiling si Trutty.
“I was selfish. Self-centered. Kuya Pepe told me so.”
Hindi umimik si Trutty. Alam ni Blumentritt na abala ang isipan nito sa kasalukuyan sa pagra-rationalize.
“Napansin ni Lolo na parang may kakaiba kay Kuya Pepe at kinausap ako. Noon ko lang napansin ang mga pagbabago sa kanya. Pasekreto ko siyang binantayan, sinubaybayan. Nalaman ko na nakakaligtaan niya ang ilang gawain at responsibilidad. Madalas siya sa mga bar. Mga tahimik na bar pero hindi siya umaalis nang hindi lasing. Minsan ay natatawagan ng bartender o may-ari ng bar ang isa sa mga driver ng pamilya pero madalas na nagmamaneho siyang pauwi. May pagkakataon noon na nahuli siya ng traffic officer pero dahil apo ng dating presidente at anak ng senador, madali siyang nakakawala. Hindi ko mapaniwalaan na umaakto siya nang ganoon kahit na nakikita na mismo ng mga mata ko. Kuya Pepe was the most responsible person I know except for Lolo. Isang gabi ay nagpakita ako sa kanya dahil nakikipag-away siya sa bartender. They took his car keys at pilit niya iyong binabawi...”
“Don’t you know who I am?”
Mas binilisan ni Blumentritt ang paglapit nang marinig ang sinabi ng nakatatandang kapatid sa bartender na mababakas na ang inis sa mukha. Hindi rin maganda ang tingin ng kapatid. Kuya Pepe shoved the guy in the chest.
“I am Jose Maria Tolentino, dumbass. Someday, I’m gonna rule this country. I’m gonna own you.”
Naagapan ni Blumentritt ang nakatatandang kapatid na akmang uulitin ang ginawa. Hinarap niya ang bartender na mukhang handa nang undayan ng suntok si Jose Maria. “I’m sorry. He’s usually not like this. He’s just drunk.”
“Kaya nga hindi siya dapat na magmaneho.”
“Yes, yes. Thank you for taking his keys. I’m gonna take him home now.”
Si Blumentritt naman ang itinulak ni Jose Maria. “Huwag kang makikialam!”
“Kuya, that’s enough.” Hindi talaga niya maintindihan kung bakit nagkakaganoon ang kapatid.
“You have no right to tell me I’ve had enough.” Labis na ikinagulat ni Blumentritt ang galit sa tinig at mga nanlilisik nitong mga mata. Noon lang niya nakita ang labis na pagkamuhi na nakatuon sa kanya. Hindi niya magawang magsalita.
“You’ve always been a pain in my neck, do you know that, Blu? Juan Miguel, I mean? Mula pagkabata, ikaw ang mas pinaglalaanan ng oras at atensiyon ni Mom. Kasi nasa panganib ang buhay mo. Mom had to make sacrifices for you. I hate it when she leaves the country to visit you. I hate that you’re her little prince. Alam mo kung ilang graduations at iba pang mahahalagang event ng buhay ko ang hindi niya nadadaluhan dahil nagtutungo siya sa `yo? Pero wala akong magagawa. You have a unique situation. I have to be good at everything. I have to be always on top. Kailangan kong magsumikap dahil masyadong malaki ang inaasahan sa akin. Mula pagkabata, itinimo na sa isipan ko na susunod ako sa mga yapak ni Lolo kaya kailangan kong galingan. Wala kang ideya kung gaanong pressure ang nararanasan ko sa araw-araw kasi walang inaasahan sa `yo. They created this perfect world especially for you. You don’t have to work hard because you’re a genius musician. You can do anything you want because you’re the special little prince. You can get anything... anyone.” Nabasag ang tinig ni Jose Maria.
Naninikip ang dibdib ni Blumentritt ngunit wala siyang masabi. Hindi niya malaman kung paano papayapain ang kapatid na tinutulungan ng alak na mailabas ang mga totoong nararamdaman.
“Madalas kong sabihin sa sarili ko na hindi ako dapat mainggit o magalit sa `yo. Hindi mo naman kasalanan. Hindi mo pinili ang buhay na ito. Pero minsan mahirap panindigan. Kasi kung tutuusin, ikaw ang ugat ng lahat ng komplikasyon sa pamilya. Mas maigi na sigurong iniwan si Mom ni Dad para sa ibang babae para hindi siya mas nahihirapan. Kung wala ka, mas maayos sana ang buhay naming lahat. Kung wala ka, walang problema. Bakit hindi ka na lang manatili sa ibang bansa? Do whatever you wanna do there. Dazzle people with the way you play music. Bakit kailangan mong magpunta rito at kunin ang lahat ng akin?”
Bahagyang namilog ang mga mata ni Blumentritt. “Kuya, that’s not—“
“It’s true!” galit na singhal ni Jose Maria. “Sinasadya mo man o hindi, kinukuha mo ang lahat ng akin. Mom. Dad, who’s thrilled to have someone else to train. Lolo. You’re everyone’s favorite. At ngayon pati ang mapapangasawa ko ay inagaw mo sa akin. Pati ba naman si Alana?” Nagpakawala ng mapait na tawa si Jose Maria nang makita ang labis na pagkagulat sa mukha ni Blumentritt. “Hindi mo alam na nasasaktan ako sa closeness n’yo ni Alana? Hindi mo naramdaman na nagseselos ako? Hindi ka aware na mahal ko siya kaya hindi mo isinaalang-alang ang fact na nauna ako sa kanya? You know she’s mine but you assume we’re not in love so it’s okay. You should know that Alana is not just a girl to me. Not just the woman I had to marry because she’d be a good first lady. I had to marry her because she has my heart. You’re the most selfish brother in the face of earth, Juan Miguel. You are.”
“Mula noon ay iniwasan ko na si Alana,” ang malungkot na pagpapatuloy ni Blumentritt. “I realized he had been right, naging masyado akong makasarili. Hindi ko inisip ang mararamdaman ng nasa paligid ko. Hindi ko gustong mas saktan ang kapatid ko. Nauna siya kay Alana. Sinabi ko na may history na ang dalawa. Mas malalim ang nararamdaman ng kuya kaysa sa nararamdaman ko kay Alana. Hindi ko na gustong kunin sa kanya ang maraming bagay.”
“But that’s not your fault!” Trutty vehemently argued.
Hindi na gaanong nagulat si Blumentritt sa sinabing iyon ni Trutty. “Siguro nga. But I still felt bad for my brother. Nagi-guilty pa rin ako kasi kung mabuti akong kapatid, mapapansin ko ang mga bagay na dapat mapansin.”
“Lumaki kang only child.”
“Maybe that can be an excuse but still...” Napabuntong-hininga si Blumentritt at minasdan ang payapang mukha ni Alana. “Nahirapan ako pero idinistansiya ko pa rin ang sarili ko kay Alana. Pinagkaabalahan ko ang ilang offers na natanggap ko. Plano ko nang bumalik sa New York para ipagpatuloy ang dati kong buhay. I really feel bad for Kuya. Nagi-guilty ako na magagawa ko ang anumang gusto ko, ang anumang makakapagpaligaya sa akin samantalang siya ay hindi man lang malaman kung ano ba talaga ang gusto niyang gawin sa buhay dahil mula pagkabata ay idinikta na sa kanya ang direksiyong kailangan niyang tahakin.”
“Again, not your fault. Napansin ba agad ni Alana ang pagdistansiya mo?”
Tumango si Blumentritt. “Hindi ko sinasagot ang mga tawag at text messages niya. Gumagawa ako ng mga dahilan para umiwas kapag nagkakasama kami sa isang lugar o kuwarto. Alana... she’s relentless and spirited. Naramdaman niya kaagad na may nangyayaring kakaiba. She confronted me.”
“May nagawa ba akong mali?” deretsang tanong ni Alana na walang abog na pumasok sa loob ng kanyang silid. Abala si Blumentritt sa laptop at binabasa ang ipinadalang draft ng kontrata na kailangan niyang ikonsidera.
“What?” Nakikita ni Blumentritt ang galit at inis sa ekspresyon ng mukha ng dalaga. He had missed her. Nais niya itong abutin at ipaloob sa mga bisig. Nais niyang sabihin na magiging maayos din ang lahat. Nais niyang ipagtapat na ito ang unang babaeng naging napakaespesyal sa kanyang puso at mananatili itong espesyal anuman ang mangyari sa hinaharap.
“Bakit mo `ko iniiwasan? Bakit hindi mo `ko kinakausap?” tanong ni Alana habang nakatingin nang deretso sa mga mata ni Blumentritt.
“Babalik na ako ng New York.” Iniiwas ni Blumentritt ang mga mata.
Natigagal si Alana, hindi inaasahan ang magiging sagot ni Blumentritt. “Aalis ka? Kailan?”
“Next week.” He just booked his flight. Si Alana ang unang nakakaalam niyon. Hindi pa siya nakakapagpaalam sa pamilya niya. Alam niya na malulungkot ang mga ito, lalo na ang kanyang ina, ngunit ayaw na niya niyang mas pahirapan si Jose Maria.
“Bakit?” Puno ng hinanakit ang tinig ni Alana.
“Anong bakit?” kaswal na balik ni Blumentritt. Walang ideya si Alana kung gaano siya nahihirapan nang mga sandaling iyon. He didn’t want to act like an uncaring jerk. Ayaw din niyang umalis na may sama ng loob ang dalaga. Ngunit hindi na siya sigurado kung paano pakikitunguhan ang sitwasyon. “Mula sa simula ay bakasyon naman ang dahilan ng pagparito ako. Alam ng lahat na babalik ako sa New York.”
“Pero ang sabi mo ay nagugustuhan mo na ang Pilipinas. Gusto mong manatili nang matagal para mas makilala ang pamilya mo.”
Totoong nagugustuhan na ni Blumentritt ang paninirahan sa Pilipinas. Hindi lang si Alana ang dahilan kung bakit ikinonsidera niya ang pananatili roon nang matagal. Sumagi sa isipan niya ang pagkakaroon ng karera roon. Ngunit nagbago ang lahat noong nalaman niya ang totoong nararamdaman ni Jose Maria.
“Di hamak na mas maganda ang buhay ko sa New York. I have a very bright future there. What made you think I’d throw that away?” ang maangas niyang sagot.
Nang sulyapan ni Blumentritt si Alana, nakita niya na labis na nasaktan ang dalaga sa mga salitang binitiwan niya.
“I thought we have something special going on between us,” usal nito. Nagbaba ng tingin ang dalaga, waring labis na pinagsisihan ang nasabi.
Nais sabihin ni Blumentritt na hindi nagkamali ng iniisip si Alana. Naramdaman niya ang masidhing kagustuhan na hilahin palapit sa kanya ang dalaga at yakapin nang mahigpit.
“You’re wrong,” ang tahasang pagsisinungaling ni Blumentritt. “I don’t feel anything special for you.”
Hindi na sumagot ang dalaga, tinalikuran na siya nito at iniwan. Bago mawala sa paningin ni Blumentritt ang mukha nito ay nakita niya na labis niya itong nasaktan. Nanikip ang kanyang dibdib. Halos hindi niya namalayan na humakbang na ang kanyang mga paa patungo sa pintuan. Pagdating sa pintuan ay pilit niyang sinikil ang kagustuhang habulin si Alana, gayumpaman. Paulit-ulit niyang sinabi sa sarili na tama ang kanyang ginawa.
“You’ll get over her, buddy,” ang sabi ni Blumentritt sa sarili. “She’s for your brother.” Alam niyang mahihirapan siyang kalimutan ang nararamdaman para kay Alana. Ngayon pa lang ay nahihirapan na siyang ilarawan sa isipan na ikinakasal ang dalawa. Ngunit kailangan dahil mahalaga rin si Jose Maria sa kanyang puso.
“Ikaw ang gusto niya, hindi ang kuya mo,” ang pabulong na sabi ni Trutty.
Hindi sumagot si Blumentritt. Banayad lang niyang pinisil ang kamay ni Alana. “Tinalikuran ko na siya. Sumuko na ako. Handa na akong kalimutan siya.”
“Unfair,” ang naiinis na sabi ni Trutty. “Bakit ikaw lang ang nagdesisyon? Paano naman ang nararamdaman niya? Pilit din niyang kalilimutan at pilit na mamahalin ang iba dahil nagdesisyon ka na? Unfair.”
Ibinaling ni Blumentritt ang paningin kay Trutty. Nais niyang matawa. “Parang ganyan din ang sinabi ni Kuya Pepe noon. Alam mo kung kailan ko na-realize kung gaano ako kamahal ng kuya ko? Kung gaano ako kasuwerte sa buhay ko?” Hindi umimik si Trutty at naghintay na magpatuloy siya. “Isang gabi bago ako umuwi ng New York, nakatanggap ako ng tawag mula sa kuya ko. He’s obviously drunk again...”
“Hello, little brother.”
Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ni Blumentritt nang marinig ang lasing na tinig ng nakatatandang kapatid sa kabilang linya. Halos wala sa loob na inabot niya ang jacket at susi ng sasakyan. “Where are you? I’m coming to get you.” Madalas pa ring magmaneho nang lasing si Jose Maria. He hadn’t been in any accident so far but it was best not to tempt fate.
“I’m not drunk.”
Base sa tinig nito, nahirapan si Blumentritt na maniwala.
“Honest! I’m not drunk. I just had a few shots to steel some nerves, you know. Also to convince myself that I’m doing the right thing.”
Naupo si Blumentritt sa gilid ng kama at hinintay ang ibang sasabihin ni Jose Maria. Kahit na lasing, kakaiba ang tono ng kapatid. Seryoso at hindi galit o sarkastiko. May bahid ng kabanayaran.
“I love you, little brother.”
Hindi malaman ni Blumentritt ang sasabihin. Ni hindi niya sigurado kung tama ang kanyang narinig.
“Hindi ko kailanman sinabi sa `yo before now pero totoo iyon. Kahit na totoo rin ang mga sinabi ko sa `yo dati. Kahit na nagseselos ako at nanghihinanakit, hindi kailanman magbabago ang bagay na iyon. Forgive me.” Nabasag ang tinig ni Jose Maria.
Tumikhim si Blumentritt. “K-kuya...”
“You don’t have to say it back, alam ko naman na pareho ang nararamdaman natin. Magkapatid tayo. Kahit na pagbali-baliktarin ang mundo, anuman ang mga masabi natin sa isa’t isa, sinuman ang mamagitan sa atin, hindi iyon magbabago. Hindi natin makakalimutan.” Tumikhim si Jose Maria bago nagpatuloy. “Hindi mo na kailangang umalis. Hindi mo rin kailangang magparaya. Dapat lang na ako ang magbigay daan, hindi dahil sa nakatatanda ako kundi dahil alam kong ikaw ang pinipili ng puso ni Alana. Hindi ko siya puwedeng pilitin. Pare-pareho lang tayong magiging miserable kung ipagpipilitan ko ang gusto ko. Ayoko rin naman ng ganoon. Pareho kayong mahalaga sa puso ko.”
Namasa ang mga mata ni Blumentritt. “K-kuya...” Bahagya siyang nainis sa sarili dahil hindi niya masabi ang mga nais niyang sabihin.
“I deserved to be happy also, pero hindi sa ganitong paraan. Kaya alagaan mong maigi si Alana. Protektahan mo siya. Huwag mo siyang sasaktan kahit na kailan. Huwag mong hahayaan na may ibang taong manakit sa kanya. Support her all the way. If there’s anyone in this world who deserved every bit of wonderful things, it’s Alana. Commit your whole self to her. Ipangako mo sa akin na mamahalin mo siya hanggang sa huling hininga mo.”
“I promise.”
“Kuya died that night. Nasangkot siya sa isang aksidente. Medyo nakakatawa kasi hindi niya kasalanan ayon sa imbestigasyon. Nakatulog ang driver ng isang truck at kinaladkad ang kotse ni Kuya Pepe. Nakarating pa siya nang buhay sa ospital pero kaagad ding binawian ng buhay.”
Pigil-pigil ni Blumentritt ang mga luha. Binitiwan niya ang kamay ni Alana, tumayo at tinungo ang bintana. Hinawi niya ang mabigat na kurtina at pinagmasdan ang makinang na lungsod. “Sinisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung sana itinuloy ko ang paglabas para sunduin siya, sana buhay pa siya ngayon. Kung sana, hindi na lang ako umuwi rito sa Pilipinas, sana ay hindi nagrebelde nang ganoon ang kuya. Sana hindi ko ginulo ang perpekto at tahimik niyang buhay. Napakaraming sana.”
Naramdaman ni Blumentritt ang paglapit ni Trutty. Nais niyang harapin ang dalaga at magpayakap. Nais niyang ibaon ang mukha sa leeg nito, samyuin ang bango nitong nakakapayapa ng anumang damdamin. Naipaparamdam nito sa kanya na hindi siya mag-isa.
Banayad na tinapik-tapik ni Trutty ang itaas na bahagi ng kanyang braso. Naikuyom ni Blumentritt ang mga kamay dahil mas sumisidhi ang kagustuhan niyang mapaloob sa mga bisig ni Trutty, maramdaman ang kaaya-ayang init na nagmumula rito. Nahihirapan na rin siyang pigilin ang mga luha. There were too many emotions bottled up inside. There were too many things he wanted to tell her but couldn’t. He wanted to do something but couldn’t because they were in Alana’s room.
“It’s okay,” ang banayad na usal ni Trutty. “Everything’s gonna be okay, Blu.”
With the word “okay,” Blumentritt’s control broke. Kumawala ang mga luha sa kanyang mga mata. Yumugyog ang kanyang mga balikat. Wala nang anumang sinabi si Trutty ngunit nagtungo ang kamay nito sa kanyang likuran at banayad na humaplos. Higit pa sa sapat na maituturing ang presensiya ng dalaga sa kasalukuyan.