“BAKIT MO GINAWA sa akin ang bagay na ito, Melanie?” tanong ni Trutty sa mananahi, puno ng sama ng loob ang tinig. Hindi niya mapaniwalaan na pagkatapos ng lahat ng ginawa niya para rito at sa iba pang mananahi ay ito ang isusukli nito. Kasalukuyan siyang nakatali sa railing habang inilalabas ni Melanie kasama ng isa pang mananahi na hindi niya maalala ang pangalan ang ilang mamahaling gowns. Pagpasok ni Trutty sa opisina kanina ay kaagad niyang naramdaman ang pamamalo sa kanyang ulo. Sandali siyang nawalan ng malay. Nang magmulat siya ng mga mata ay natagpuan niyang nakatali ang kanyang mga kamay sa railing. Nililimas na ng dalawa ang mga mamahaling gowns. Kaagad nanuot sa kanyang ilong ang amoy ng gasolina. “Walang personalan, Ma’am Trutty,” ani Melani habang abala pa rin sa pagsisili
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


