"Ano'ng ginagawa mo riyan?" tanong ng isang boses sa akin. Paglingon ko ay si Ethan lang pala, kasama niya si Elle. Kaagad akong umiling at lumayo sa gate nitong lumang bahay. Muli akong lumingon sa bintana upang tingnan ang batang multo ngunit wala pa rin ito kaya kaagad ko silang nilingon. "Tara na?" tanong ko sa kanila. "Lets goww!" excited na sabi ni Ethan. Si Elle naman ay nakatingin lang sa akin kaya nginitian ko na lang siya. Nauna na kaming maglakad ni Ethan at nang mamalayan naming hindi nakasunod sa amin si Elle ay nilingon namin ito, nakatingin lang ito sa bintana ng lumang bahay kung saan laging tumatambay ang batang multo at para bang may malalim itong iniisip. "Elle," pagtawag ni Ethan sa kaniya. Lumingon naman ito sa amin at tahimik na sumunod. Habang papunta ng bahay

