"Ingat kayo!" sigaw ni Tita Rose kaya kumaway kami at umalis. "Saan ba tayo pupunta Elle?" tanong ni Ethan. "I just want to clear something," sabi ni Elle habang naglalakad. Nagkatinginan lang kami ni Ethan dahil do'n at sinundan lang siya. Ilang sandali pa ay naging pamilyar sa akin ang dinaraanan namin. Papunta ito sa lumang bahay. Ilang sandali pa ay tama nga ang hinala ko dahil tumigil si Elle sa lumang bahay habang nakatingin sa bintana. 'Yung batang multo ay naroon na sa may bintana at nakangiti sa akin. Alam kong hindi siya nakikita ni Elle dahil wal akong nararamdaman na kakaiba kay Elle. "Tara pasok tayo," pag-aaya ni Elle sa amin ni Ethan. "Huy ano ka ba baka makulong tayo niyan bumalik na tayo sa bahay," kinakabahang sabi ni Ethan. Tumingin naman si Elle sa paligid at nang

