"Bakit kaya hindi pumasok si Lira ngayon?" tanong ni Ethan. Break time na namin ngayon at nakakapagtaka lang na hindi pumasok si Lira ngayong araw. "Wala rin akong idea," ani Elle at uminom ng zesto na iniinom niya. "Sa tingin ko may nangyari," I said. Lumingon naman sila sa akin. "Anong nangyari?" Ethan asked. "Hindi ko pa alam, pero may nararamdaman akong kakaiba simula pa kanina kapag naiisip ko si Lira," sabi ko. "Puntahan kaya natin mamaya?" tanong ni Elle. Tumango naman kami ni Ethan. Dumating na ang uwian kaya nagmadali kaming umuwi at gawin ang mga dapat naming gawin upang makapunta kami kila Lira habang hindi pa late. ~~ Umuwi muna ako sa bahay at nagbihis. Ginawa ko na rin ang dapat kong gawin para payagan ako ni mama na makaalis. 'Isang lalaki ang sumuko sa mga awtorida

