"How are your parents iho?" tanong ng matanda at uminom ng tea. "They're good naman po," nakangiting sabi ni Ethan. Nandito kami ngayon sa pinakamagandang spot ng restaurant na pagmamay-ari ng lola ni Lira. "So what brings you here?" tanong nito at inilapag ang baso ng tea na iniinom niya. "Uhm, we don't know how to explain po eh." Nagkamot ng ulo si Ethan at tumingin sa amin na mukhang nanghihingi ng tulong. Bigla namang sumulpot ang Nanay ni Lira sa tabi ng matanda. Tumingin ako sa Nanay ni Lira na nasa tabi ng matanda. "Tanungin mo siya kung may kilala siyang Carol," sabi ng Nanay ni Lira. "May kilala po ba kayong Carol?" tanong ko na nagpalingon sa kanilang lahat. Seryoso namang tumingin ang matanda. "Yes, Carol is my daughter. What about her?" tanong ng matanda. "A-alam niyo p

