"Sir Rojas, hindi maganda ang ganiyang pananalita. Alam mo namang kakamatay lang ng magulang nitong estudyante, bakit gumagawa ka ng kwento at dinadamay ang inosenteng bata?" tanong ni Miss Gina. "Maniwala po kayo sa akin Miss Principal! Minumulto ako ng Nanay niyan dahil sa mga masasamang sinabi ko sa kaniya!" sabi ni Sir habang nakatingin kay Lira. "Sandali, sinabihan mo ng masasamang salita ang estudyante?" tanong ni Miss Gina. Umiwas ng tingin si Sir kaya mukhang guilty ito dahilan para harapin kami ni Miss Gina. "Ano ang masasamang sinabi sa'yo ni Sir Rojas?" tanong ni Miss Gina kay Lira. "K-kasalan ko naman po Miss Principal," sabi ni Lira at kinwento ang nangyari sa room nung araw na pagalitan ni Sir Rojas si Lira. Pagkatapos no'n ay huminga nang malalim si Miss Gina. "Okay, yo

