"Sino na ang kasama mo ngayon sa bahay niyo?" tanong ni Elle habang naglalakad kami. "Wala na, ako na lang mag-isa," sagot ni Lira at pinilit na ngumiti. Ayaw ata niyang kaawaan namin siya. "Pwede bang pumunta kami ro'n?" tanong ni Ethan. "Oo naman," nakangiting sabi ni Lira. Dahil ako ang may pinakamalapit na bahay sa amin, ako ang unang makakauwi. "Sorry Lira ha, hindi na kita masasamahan, may kailangan pa kasi akong gawin," paalam ko sa kaniya. "Okay lang 'yon, salamat nga pala ha," "Walang anuman, sige na ingat kayo ha, ihatid niyo si Lira ha," nakangiting sabi ko kay Elle at Ethan. Tumango naman silang dalawa. Aalis na sana ako ngunit bumitaw si Lira sa pagkakahawak kay Elle at niyakap ako. Nagulat naman ako ro'n pero niyakap ko rin siya pabalik. "Ingat ka," sabi nito nang k

