Nang mawala na ang liwanag ay dumilat na ako.
Pagkadilat ko ay wala nang malay si Maam at buti na lang ay may teacher din na lalaki ang pumasok.
"Anong nangyari?!" natatarantang tanong nito.
"Bigla na lang po siyang nahimatay Sir, kanina pa po kasi siya umiiyak," sabi ko.
"Sige ako na ang bahala rito, pumasok ka na," sabi nito at binuhat si Maam. Napansin niya atang grade 10 ako at may pasok pa kami kaya pinapasok na niya ako.
Napalaki naman ako ng mata nang maalala ko na late na pala ako.
Tumakbo ako papuntang room at pagkarating ko ay nakahinga ako nang maluwag dahil wala pa 'yung teacher namin sa first subject.
Dumiretso ako sa dulo kung saan ako naka-upo kahapon at laking tuwa ko naman nang makita sina Elle at Ethan.
Nginitian ko sila at umupo na.
"Bakit ka late?" tanong ni Elle.
"A-ah galing kasi ako sa Library hindi ko na namalayan 'yung oras," sabi ko.
"K-kayo kumusta? Nakapasok naman ba kayo nang maayos?" tanong ko. Halata naman sa mukha ni Elle ang pagtataka.
"Oo naman kaya nga kami nandito," sabi ni Elle.
"Oh tubig, hingal na hingal ka eh." Biglang sumulpot si Ethan sa usapan namin at ibinigay ang bote ng tubig sa akin.
"S-salamat," sabi ko at ininom ang tubig na ibinigay niya.
Dumating na ang teacher namin kaya tumayo kaming lahat.
"Good afternoon Sir," sabay-sabay naming bati.
"Okay class Good Afternoon, you may sit now," sabi ni Sir kaya sabay-sabay kaming umupo.
"Ay mali btw tumayo pala muna kayong lahat aayusin natin ang seating arrangement niyo sa subject ko," sabi ni Sir kaya tumayo kaming lahat bitbit ang bag namin.
Nag-umpisa na kaming ayusin ni Sir base sa apelyido namin. Bale lalaki at babae ang magkatabi.
Natapos na ang pag-aarrange ni Sir at ang ending ay katabi ko si Ethan at katabi naman ni Ethan ay si Mia. Si Elle naman ay nasa harap ko lang nakaupo at ang nasa likod ko naman ay si Billy.
"Okay class ayan na 'yung seating arrangement niyo hanggang 4th Quarter okay? So Let's start, let me introduce myself, I'm Sir Rommel Dela Cruz and I am your teacher in Math," pagpapakilala ni Sir Rommel.
Dahil ito pa lang ang unang araw na na-meet namin si Sir Rommel dahil kahapon ay homeroom namin dahil first day of school at si Maam Selaida pa lang ang nami-meet namin kahapon kaya nagpagpasyahan ni Sir Rommel na ipakilala muna namin ang aming mga sarili.
Isa-isa kaming nagpakilala at pagkatapos ay magbobotohan ulit sana kami ng officers sa math pero may isang kaklase namin ang sumigaw na nagbotohan na kahapon kaya tinanong ni Sir ang mga officer na kung pwedeng sila na lang din ang officer sa subject na math.
Mabilis naman na sumang-ayon sila Cedric at pati na rin ang mga treasurer at secretary. Si Elle naman ay walang pakialam.
"Kaso sir scam yung Muse namin napagtripan," sigaw ni Billy sa likod ko. Nagtawanan naman 'yung mga classmates namin kaya napayuko ako.
Nilingon naman ni Elle si Billy at tiningnan siya nang masama. Gano'n din ang ginawa ni Ethan.
"Stella is beautiful," sabi ni Ethan kay Billy. Napatingin naman ako sa kaniya kaya tumingin siya sa akin at kinindatan ako. Sumabat naman si Mia.
"Yeah Stella is beautiful kaya, stop your pambubully na kaya Billy masyado kang papansin," sabi ni Mia at tinarayan si Billy. Inabot naman ni Mia ang kamay ko.
"Don't mind him," sabi ni Mia at nginitian ako. Ngumiti na lang din ako nang pilit.
"Who's your Muse?" tanong ni Sir.
"Si Stella Sir!" sigaw ng iba naming kaklase.
"Where's Stella?" tanong ni Sir. Unti-unti kong itinaas ang kamay ko habang nakayuko.
"Ahh ayon! You're beautiful iha! Sinong nagsabing napagtripan lang? Siguro may gusto ka kay Ms. Stella 'no?" tanong ni Sir kay Billy dahilan para magsigawan ang mga classmates namin.
"Yieeee," sigaw nila sabay tawa.
"H-hala hindi Sir may girlfriend na po ako, nagbibiro lang naman po ako!" kaagad na angal ni Billy.
"I'm just joking you're so defensive, anyways don't say bad words to your classmate, I don't like bullies," sabi ni Sir.
Napatingin naman ako kay Sir at napangiti. Hindi ko inakalang magkakaroon ako ng mababait na teachers ngayong grade 10. I'm so glad na hindi sila kaparehas ng mga teacher ko before.
Nagsimula nang mag-lesson si Sir kaya nakinig na kaming lahat.
Dumaan pa ang dalawang subject pagkatapos ni Sir hanggang sa dumating na ang recess namin. Hinawakan ni Elle ang kamay ko at hinila ako palabas.
"S-saan tayo pupunta?" nagtatakang tanong ko. Nang lumingon ako sa likod ay nakasunod sa amin si Ethan.
Nang makaalis kami sa building namin, nagulat ako dahil papunta kami sa lumang building kung nasaan ang kinakatakutan ko. Nang makapasok kami sa building ay nagpumiglas ako kaya nabitawan ako ni Elle.
"A-anong ginagawa natin dito?" kinakabahang sabi ko.
"Basta," sabi ni Elle at akmang hahawakan ako pero kaagad akong umiwas.
"P-please umalis na tayo rito," sabi ko at nagsimulang manginig.
"We're here Stella don't worry, we just want to know something, huwag kang mag-alala, hangga't nandito kami walang mangyayaring masama sa iyo. Face your fears, hindi naman nangangain si Ethan 'diba?" biro na sabi ni Elle at tumingin kay Ethan.
"Grabe ka naman sa mangangain," sabi ni Ethan.
Huminga ako nang malalim at inilahad ang kamay ko. Kaagad naman iyong hinawakan ni Elle at patakbo kaming pumunta sa lumang cr. Bago makapasok ay naging alerto sina Elle at Ethan.
Dahan-dahan kaming pumasok sa lumang cr kung nasaan ang babaeng multo at demonyo na nakita ko kahapon.
Nang makapasok kami ay binitawan ni Elle ang kamay ko at isinarado naman ni Ethan ang pinto.
Kaagad nilang nilibot ang lugar at nang makarating sa dulong cubicle ay napahinga sila nang maluwag.
"Ano ba ang g-ginagawa natin dito?" tanong ko sa kanila.
"Haysts akala kasi namin may nananakit sayo rito kasi kahapon no'ng nanginginig ka, napansin naming nakatingin ka rito kaya akala namin ay may nagbabanta sa'yo sa lugar na ito," sabi ni Ethan habang nililibot ang tingin sa lumang cr.
Ang tanging nagbibigay na lamang ng liwanag sa buong cr ay ang araw na galing sa bintana.
Huminga ako nang malalim at nag-ipon ng lakas ng loob upang tanungin sila. Hindi ko kasi malaman ang dahilan kung bakit mabait sila sa akin.
Hindi naman sa ayoko silang maging mabait sa akin, mayroon lang talaga akong trust issue dahil ilang beses na akong natraydor ng mga itinuring kong kaibigan.
"B-bakit ang bait niyo sa akin?" tanong ko sa kanila. Nagpalingon sila sa akin at nagtinginan.