Nagpaiwan si Maam sa Teacher's office upang ilabas ang nararamdaman niya. Nandito kami ngayon sa labas ng 7 eleven. Kumakain ng cookies na ibinigay ng teacher na tumulong sa akin kanina. Bumili rin kami ng tig-kinseng ice cream. "Grabe 'yung iyak ni Maam 'no? Hayst sana maging okay din siya," sabi ni Ethan at kumagat ng cookies. "Kailan mo pa nakita 'yung multong 'yon?" tanong ni Elle. "Nung unang pasukan pa, pero hindi ko kasi siya pinansin noon kaya hindi niya ako binabagabag, eh saktong habang papunta akong classroom kanina nakita kong sinusundan niya si Maam Selaida," sagot ko. "Pero bakit parang ka-edad lang natin 'yung multo? Parang medyo matanda pa si Maam ng kaunti, pero sabagay hindi naman halata na mukhang mas matanda si Maam Selaida dahil dalaga pa siya," sabi ni Ethan at

