Biglang sumulpot sa tabi ko ang multo na sunod nang sunod kay Maam Selaida. Hinawakan ko ang kamay ni Maam Selaida na ikinataka niya. "M-may gusto pong kumausap sa inyo," kinakabahang sabi ko dahil hindi ko alam ang maaaring maging reaksyon niya. Kumunot naman ang noo nito. "Huwag po kayong matakot sa makikita niyo, hindi niya po kayo gustong saktan. Gusto niya lang po kayong makausap," dugtong ko pa. Bumitaw na ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kwintas ko upang buksan ang third eye ni Maam Selaida at makausap niya 'yung lalaking multo. Maya-maya lang ay bigla siyang napalingon sa tabi ko kaya alam kong nakita na niya 'yung lalaking multo sa tabi ko. Nanlaki ang mata niya at unti-unting umatras habang umiiling. "A-ano ba ang gusto mo?! Layuan mo na ako! Parang awa mo na!" nagulat kami

