"Sino ka?" galit na tanong nito. Bigla namang umilaw ang kwintas ko nang magsimula siyang lumapit kaya lumabas ang enerhiya na nagprotekta sa akin laban sa kaniya na galing sa kwintas ko. "Ikaw sino ka? Bakit mo ginagambala si Maam Selaida?" tanong ko rito pabalik. Halata naman dito ang pagbabago ng mood. Kung kanina ay galit siya ngayon ay para siyang bata na naghahanap ng sagot dahil nahuli na may ginagawang kalokohan. "G-gusto ko lang naman siyang kausapin ngunit natatakot siya sa akin at nilalayuan niya ako," sabi nito. Alangan multo ka. Nawala na ang pumoprotekta sa akin kaya alam kong hindi na niyang intensyon na saktan ako. "Anong kailangan mo sa kaniya at bakit mo siya gustong kausapin? Sino ka?" "M-matutulungan mo ba ako kapag sinabi ko sa iyo?" "Depende," sabi ko sa kaniya

