"Saan ka ba pumunta kahapon?" tanong ni Ethan. Recess na namin ngayon at ang binabanggit niya ay 'yung sa pangyayari sa presinto kahapon. "Kinausap ko lang si kuya Edmon, may sinabi lang ako sa kaniya," sabi ko habang kumakain. "Ano'ng sinabi mo kay kuya Edmon?" tanong muli ni Ethan. Binatukan naman siya ni Elle. "Ang chismosa mo talaga," sabi ni Elle sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo niya. Napatingin ako sa kanila. Oo nga pala hindi ko nakuwento sa kanila ang nangyari. "Ganito kasi," sabi ko. Tumingin naman sila sa akin at lumapit. Sumeryeso rin sila kaya natawa ako. Sumimangot sila kaya umayos na'ko at kinuwento sa kanila. Kinuwento ko sa kanila ang nangyari, walang labis walang kulang. "Edi ibig sabihin patay na 'yung Nanay ni kuya Edmon?" tanong ni Ethan sa akin. "Nakikinig

