Dinala ako ni Kuya Renzo sa lugar kung saan binibisita ang mga nakakulong na preso. May bisita ata si Kuya Edmon kaya rito ako dinala ni Kuya Renzo. Natanaw ko sa hindi kalayuan si Kuya Edmon, sa harap niya ay ang isang lalaki na hindi ko kilala dahil nakatalikod ito sa direksyon ko. Mukhang nag-uusap silang dalawa. Nang makalapit ay itinuro sila ni Kuya Renzo kaya nagpasalamat na ako. "Ka ano-ano mo si Perly?" rinig kong tanong ng lalaking kausap ni Kuya Edmon. "Nanay ko," tanging sagot ni Kuya Edmon. Ramdam ko naman ang paghinga nang malalim ng lalaking kausap ni Kuya Edmon. Napansin ako ni Kuya Edmon kaya umiba ang timpla ng hitsura nito. "Walang hiya ka! Ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang Nanay Perly ko! Mamamatay tao ka!" Kaagad na tumayo si Kuya Edmon at kaagad ako nitong

