Pinunasan ni Mrs. Shane ang kaniyang mga luha. "Oo anak, iingatan ko ang sarili ko, magiging kuya ka na rin," sabi ni Mrs. Shane matapos kong sabihin sa kaniya ang gustong ipasabi ni James. Hinaplos niya rin ang kaniyang tiyan. Nakangiti namang tumingin dito si James at unti-unting lumapit upang hawakan ang tiyan ng kaniyang Mommy. Halata sa hitsura ni Mrs. Shane na naramdaman niya ang haplos na ito kaya tumingin siya sa akin. Tumango ako upang sabihin sa kaniya na si James iyon. Nagbago ang hitsura ni James. Naging puti na ang suot niya at nawala na rin ang sugat at pasa niya sa katawan. Kaagad kong hinawakan ang kwintas ko upang tulungan na buksan ang third eye ni Mrs. Shane at makita sa huling sandali si James. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Shane nang makita ang kamay ni James na nak

