Dahil sa panaginip na iyon ay mas lalo akong naging maingat kay Elle at lagi siyang binabantayan. Mahirap na at hindi ko alam kung kailan mangyayari iyon. "Oh ito lagi mo itong isusuot ah," wika ko at ibinigay sa kaniya ang kwintas na binasbasan ko. Iyon 'yung kwintas na regalo ko nung birthday niya. Nilagyan ko iyon ng proteksyon para protektahan siya sa masamang mangyayari. Hiniram ko iyon sandali at nilagyan ng protection. "Oo na, ang ganda kaya niya kaya talagang hindi ko ito tatanggalin," wika ni Elle at sinuot na ang kwintas na ibinigay ko. Hindi niya pa kasi alam na nakita ko sa pangitain ko na may masamang mangyayari sa kaniya kaya nilagyan ko ng protection ang kwintas niya para kung sakaling wala ako sa tabi niya ay mayroon pa ring magpoprotekta sa kaniya. ~~ Ngayon ay nasa

