"Anong pakulo na naman ito Elle? Sino itong mga 'to?" tanong ng babae. Tingin ko siya ang Mama ni Elle. "M-ma sinurpresa lang po nila ako k-kasi birthday ko po," nauutal na sabi ni Elle. "Umuwi muna kayo kailangan naming mag-usap," wika ng Mama ni Elle. "Hayaan mo silang magsaya Janice. Birthday naman ni Elle ngayon kaya pagbigyan mo na. Nag-effort 'yung mga bata para sa birthday ng anak mo oh. Buti pa nga mga kaibigan niya nag-effort, ikaw na magulang nakalimutan mo na ngayon ang kaarawan ng anak mo," wika ni Lola Lindy. "Nay hindi ko po nakalimutan, anak ko po ang kinakausap ko kaya huwag po kayong sumabat," wika ni Tita Janice at humarap kay Elle. Nagsalubong ang kilay nito nang makitang nakangiti si Elle. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan?" tanong ni Tita Janice. "Ma nandito po si

