"Ethan!" sigaw ni Tita Rose dahilan para magmadaling lumabas si Ethan. Napaisip naman ako. "Anong pinagkaiba ng kaibigan sa lalaki?" bulong ko sa sarili ko at hindi na inintindi iyon at nagpokus sa pagtutupi ng mga tupiin ko. Nang maayos ko na ang gamit ko ay sakto namang pagpasok ni Ethan bitbit ang juice. Binigay niya sa'kin iyon kaya nagpasalamat ako. "Tapos ka na? I-tour daw kita rito," sabi ni Ethan habang nakayuko. "Sige," sabi ko at ininom ang juice nang isahang inom lang dahil baka nagmamadali si Ethan. "Tara," pagyaya ko pagkatapos inumin ang juice. Naglalakad kami ngayon dahil nasa isang bahay pa raw nila ang kotse na gagamitin namin para makalibot sa lugar. "Saan ba tayo pupunta?" tanong ko. "Doon sa isang bahay kukunin muna 'yung kotse," sagot nito. "Hindi I mean saa

